Survey: Amerika pinagkakatiwalaan, China at Russia hindi masyado | Bandera

Survey: Amerika pinagkakatiwalaan, China at Russia hindi masyado

Leifbilly Begas - January 12, 2017 - 01:28 PM

pulse

Pinagkakatiwalaan ng malaki ng mga Pilipino ang Estados Unidos kumpara sa ibang bansa katulad ng China.
Ayon sa survey na isinagawa ng Pulse Asia, sinabi ng 76 porsyento na pinagkakatiwalaan nito ang Amerika. Hindi naman nagtitiwala ang 23 rito.
Sumunod namang pinakakatiwalaan ng mga Pinoy ang Japan na nakakuha ng 70 porsyentong trust rating. Mayroon itong 29 porsyentong distrust rating.
Pangatlo naman ang Great Britain na mayroong 39 porsyentong trust rating at 55 porsyentong distrust rating.
Ang China ay pang-apat at may 38 porsyentong trust rating kapantay ng Russia.
Ang distrust rating ng China ay 61 porsyento at ang Russia ay 58 porsyento.
Si Pangulong Duterte ay ilang beses ng nagsalita laban sa Amerika at sinabing makikipag-alyansa sa China at Russia.
Pinagkakatiwalaan naman ng 74 porsyento ang United Nations na mayroong 25 porsyentong distrust rating. Ang European Union ay pinagkakatiwalaan naman ng 50 porsyento samantalang 47 porsyento ang hindi nagtitiwala rito.
Ginawa ants survey mula Disyembre 6-11. Kinuha ang opinyon ng 1,200 respondents na tinanong: “Sa pangkalahatan, gaano mapagkakatiwalaan ng Pilipinas ang (pangalan ng bansa). Masasabi ba ninyo na.. (pagpipilian).
Ang survey ay mayroong plus/minus 3 errors of margin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending