Pagiging surrogate mother, pinatulan na rin | Bandera

Pagiging surrogate mother, pinatulan na rin

Susan K - January 06, 2017 - 12:10 AM

MUNTIK nang makapuslit ang tatlo nating mga kababaihan patungong Thailand kung hindi alerto ang ating mga opisyal ng Bureau of Immigration.

Sa panayam ng Bantay OCW sa Radyo Inquirer, kinumpirma ni Atty. Antonette Mangrobang, tagapagsalita ng Immigration na nagawang mapaamin ng kanilang mga immigration officers sa airport ang naturang mga Pinay nang sila’y sumailalim sa masusing interview.

Umamin ang tatlo na sila ay inalok bawat isa ng $8,700 (P400,000) upang maging surrogate mothers ng kanilang magiging mga kliyente sa Cambodia. Nahuli rin ang tumatayong employer at recruiter nila na si Janette Reyes. Ayon sa kuwento ng mga biktima, pagdating sa Bangkok, Thailand, didiretso sila sa Phnom Phen kung saan sila makikipagkita sa mga posibleng mga kliyente mula sa Germany, Nigeria at Australia at China.

Ayon pa kay Mangrobang, napag-alaman din sa imbestigasyon, may second batch pang narecruit si Reyes at nakatakda na ring lumabas ng Pilipinas.

Kasong illegal recruitment at human trafficking ang ikinaso kay Reyes. Nang tanungin namin si Mangrobang kung ano naman ang kasong maaaring kaharapin ng ating mga Pinay? Sinabi niyang gayong hind naman natuloy ang modus ni Reyes, itinuturing pa ring biktima ang mga kababaihang ito.

Pero hindi lamang sila basta biktima, kundi mga “willing victims” ika nga, dahil alam na alam nila na iyon ang ipagagawa sa kanila.

Ipagbubuntis nila ang anak ng dayuhan ng siyam na buwan, habang ang kontratang palalabasin ay isang taon.

Ang matindi pa nito, dala na rin marahil nang matinding pangangailangan, kung kaya’t pinapatulan ng mga ito ang ganitong uri ng pagkakakitaan.

Katulad ng kaso ng isang Pinay na hindi sinabi sa asawa ang planong pag-aabroad.

Sino ba namang matinong asawa ang papayag na paalisin ang kanyang misis upang ipagbuntis ang magiging anak ng iba?

At sino din namang misis ang maglalakas ng loob na magpaalam at sabihin sa asawa ang magiging trabaho nito sa abroad.

Sa simula pa lamang mali na iyon. Mali ang proseso ng kanilang recruitment. Kaya nga illegal recruiter si Reyes dahil hindi legal ang ganong pa-trabaho gayong may mga bansa na pinapayagan ang surrogacy ngunit may mga bansa ring ipinagbabawal ito.

Gayong walang batas na nagbabawal sa Pilipinas hinggil dito, ayon naman kay Atty. Dennis Gorecho bawal palitan ang birth certificate ng bata at ipangalan iyon sa iba. Falsification of public documents iyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagbabala si Mangrobang na mag-ingat ang ating mga kababaihan at huwag patulan ang alok na ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending