Beteranong brodkaster kinaiinisan ng ilang kolumnista | Bandera

Beteranong brodkaster kinaiinisan ng ilang kolumnista

Den Macaranas - January 06, 2017 - 12:10 AM

IMBES na mainis ay awa ang nararamdaman ng ilang journalists sa isang beteranong mamamahayag na nagbabasa on-air sa kanilang mga column.

Dati kasi ay gusto nilang singilin ang isang may edad na rin namang veteran journalist dahil ginagamit nga naman nang walang pahintulot ang kanilang mga column na lumalabas sa mga pahayagan.

May segment kasi sa isang himpilan ng radyo itong bida sa ating kwento.

Noong araw ay sarili niyang column ang kanyang binabasa na naibebenta naman niya sa mga advertisers.

Dumating ang pagkakataon na kinakapos ng materyal ang beteranong mamamahayag kaya column ng ibang mga journalists mula sa iba’t ibang mga pahayagan ang binabasa niya on-air.

Kumikita siya sa pamamagitan ng mga on-air advertisements pero hindi niya ito ibinabahagi sa mga tunay na may-ari ng mga column na kanyang ginagamit.

Nagugulat na lamang ang ilang mamamahayag kapag naririnig nila sa radyo na binabasa ang kanilang column nang walang kaukulang pahintulot.

Lately ay naging madalas ang pagkakasakit ng beterano pero mayamang journalist na bida sa ating kwento.

Dumanas din siya ng mild stroke kaya ito malamang ang dahilan kaya hinahayaan na lamang ng ilang kolumnista na magamit on-air ang kanilang mga piyesa.

Kumbaga ay tulong na nila ito para may pambili ng gamot ang ating bida.

Kilala ang beteranong mamamahayag na ating tinutukoy na dati ring may programa sa TV na ang title ay pangalan din ng kanyang column sa isang broadsheet.

Dati rin siyang adviser ng ilang mga naging lider ng ating bansa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang veteran journalist na bida sa kwento natin ngayong araw ay si Mr. H.L….as in High Low.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending