BUKOD sa pamimili ng mga lucky charms, iniba rin ng isang kontrobersiyal na mambabatas ang posisyon ng mga furnitures sa kanyang opisina.
Ito raw kasi ang rekomendasyon ng isang feng shui expert na kanyang kinonsulta para maging maswerte ang pasok ng 2017 sa kanyang buhay.
Sinabi ng ating Cricket na pati ang sasakyan na kanyang ginagamit ay papalitan na ng mambabatas na ating tinutukoy base na rin sa payo ng feng shui master na kanyang kinontrata bago pa ang panahon ng kapaskuhan.
Sa muling pagbubukas ng sesyon, sinabi ng ating Cricket na huwag na rin tayong magtaka kung mag-iba ang hairstyle ng legislator na ating tinutukoy dahil pati ito ay sinabing dapat niyang palitan para maging maayos ang buong 2017 sa kanyang buhay.
Sa totoo lang ay naging napakabigat ng 2016 sa kanyang buhay bagaman sa unang bahagi nito ay naging paborable sa kanya kabilang na ang pagkapanalo niya sa nagdaang halalan.
Pero ang kalagitnaan ng 2016 ay naging parusa sa kanya hanggang sa pagtatapos ng taon.
Sa pagsisimula ng 2017 ay sinabi ng mambabatas sa ating kwento na titiyakin niyang magiging paborable sa kanya ang lahat ng mga bagay.
Bukod sa pagkunsulta sa isang feng shui expert ay madalas ring makita ang mambabatas sa mga simbahan.
Patunay umano ito na ayaw na niyang maulit ang pinagdaanan niyang mga pressure noong 2016.
Bahagi rin ng kanyang paghahanda sa bagong taon ang pagkakaroon ng zero lovelife dahil isa ito sa mga nagdala sa kanya ng problema sa mga nagdaang panahon.
Pero ang higit na pinaghahandaan ng mambabatas ayon sa kanyang mga staff ay ang legal moves niya laban sa mga taong nagdiin sa kanya sa mga kontrobersiya.
Hindi raw titigil ang mambabatas na ito hangga’t hindi nakukulong ang mga nagkutsabahan para kaladkarin sa kahihiyan ang kanyang pangalan.
Ang mambabatas na ngayon ay BFF ng isang feng shui master ay si Madam L….as in Lovely.
Meron ka bang wacky na balita na gustong i-leak sa amin? Sumulat sa [email protected]
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.