Pasko, Bagong Taon 'generally peaceful' - Bato | Bandera

Pasko, Bagong Taon ‘generally peaceful’ – Bato

- January 01, 2017 - 05:38 PM

IDINEKLARA ni Philippine National Police (PNP) Chief Ronald “Bato” dela Rosa na nasa pangkalahatan ay naging mapayapa ang pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon, bagamat nakapagtala ng siyam na bilang ng biktima na natamaan ng ligaw na bala.

Binati ni dela Rosa ang buong PNP,  Department of Health (DOH) at iba pang mga ahensiya ng gobyerno at mga lokal na pamahalaan matapos ang matagumpay na kampanya para mapababa ang bilang ng mga biktima ng mga paputok.

Sinabi naman ni dela Rosa na siyam na kaso ng tanamaan ng ligaw na bala ang naitala ng pulisya, kasama ang isang nasawi.

Idinagdag ni dela Rosa na batay sa ulat ng PNP National Operations Center, naitala ang unang nasawi ng ligaw na bala mula sa Metro Manila, bagamat hindi na nagbigay ng detalye.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending