San Sebastian Lady Stags kabado sa NCAA Season 92 volleyball playoff | Bandera

San Sebastian Lady Stags kabado sa NCAA Season 92 volleyball playoff

Angelito Oredo - December 30, 2016 - 10:00 PM

TATLONG laro na lamang ang San Sebastian College para mawalis ang daanan nito sa NCAA Season 92 women’s volleyball finals subalit nakapag-aalala kay coach Roger Gorayeb ang dapat na pag-improve pa ng kanyang koponan bago maganap ang playoff phase.

“Totoo iyan, gusto namin ang sweep. Sino ba ang aayaw?” sabi ni Gorayeb. “Pero mas gusto ko sa team ko na mas lalo pa silang mag-improve sa ibang aspeto tulad sa depensa at hindi lamang aasa sa isang player kundi maglaro sila bilang isang team.”

Tanging ang Lady Stags na lamang ang hindi natatalong koponan matapos magwagi sa kanilang anim na sunod na laro at agad na makakadiretso sa best-of-three championship round kung magagawa nitong magwagi sa kanilang huling tatlong laban.

An huling tatlong koponan na makakaharap ng San Sebastian ay ang matitinding Final Four contender na University of Perpetual Help (3-2) sa Enero 13, Lyceum of the Philippines University (4-1) sa Enero 23 at defending champion College of St. Benilde (5-1) sa Enero 25.

“Hard to think of a sweep early because we know our last three games are all strong teams,” sabi pa ni Gorayeb.

Isa na sa inaalala ni Gorayeb ang tungkol sa kondisyon ng reigning back-to-back MVP na si Grethcel Soltones.

Ito ay dahil lubhang malayo pa sa kanyang pinakamatinding kundisyon si Soltones, na ikalawa lamang sa best scoring ng liga sa average na 16.17 puntos kada laro at nasa likuran ng nakaraang taon na Finals MVP mula St. Benilde na si Jeanette Panaga na nagtatala ng 17 hits.

“I did my part. It will really be up to her (Soltones),” sabi lamang ni Gorayeb.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending