Singer-actress minalas ang career mula nang magkadyowa
NARARAMDAMAN na rin mismo ng kanyang mga tagasuporta na mula nang maging seryoso sa pakikipagrelasyon ang isang young singer-actress ay naapektuhan ang kanyang karera.
Dumalang na ang kanyang mga proyekto, hindi na siya naiimbitahang mag-show sa iba-ibang bansa, parang naging malagihay ang kanyang career.
Malaki ang naging epekto nu’n sa trabaho ng young singer-actress, ‘yun din siguro ang ikinaiinis ng kanyang pamilya, kaya lang ay wala naman silang magagawa dahil ipinaglaban ng young singer-actress ang kanyang boyfriend.
Kuwento ng isang source, “Nu’ng kasagsagan kasi ng career niya, e, puro business ang nasa utak ng mga magulang niya. Na tama naman, dahil hindi naman siya forever na mabenta, di ba?
“Ang dami-daming itinayong negosyo ng family niya. Nagpatayo sila ng building, pinauupahan na nila ‘yun ngayon. Meron din silang malaking grocery store sa tabi lang ng isang sikat na university.
“Nag-aalaga rin sila ng mga hayup, ang dami-dami nilang alaga, talagang ginamit ng parents niya ang kinita niya sa magandang paraan. Hindi niya masusumbatan ng panglulustay ang parents niya,” kuwento ng aming impormante.
Pero mula nga nang makipagrelasyon siya ay parang tumamlay naman ang kanyang career, hindi na siya nakukuhang performer sa iba-ibang bansa, mga bago nang mukha ang in demand ngayon sa mga concerts abroad.
“Puwedeng nagsawa na rin sa kanya ang mga kababayan natin abroad, wala naman kasi siyang bagong ipinakikita, ‘yun at ‘yun din. Huwag naman sanang isisi sa BF niya ang pagtamlay ng career nu’ng girl, ang mga nag-aalaga ng career niya ang nagkulang, kaya nagsarado ang mga opportunities sa kanya.
“Naku, Braly Guevarra at Tita Nene Ulanday, nagsarado ba kanyo? Getlak n’yo na kung sino ang bumibida sa ating kuwento?” pagtatapos ng aming source.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.