Jeron Teng siniguro ng AMA sa 2016 PBA D-League Draft | Bandera

Jeron Teng siniguro ng AMA sa 2016 PBA D-League Draft

Angelito Oredo - December 20, 2016 - 09:15 PM

HINDI pinalagpas ng AMA Online Education ang pagkakataong makuha ang serbisyo ng La Salle King Archer na si Jeron Teng.

Pinili ng koponan si Teng bilang top overall pick ng 2016 PBA D-League Rookie  Draft nitong Martes sa PBA Cafe sa Metrowalk, Pasig City.

Sa kabuuan, 73 manlalaro ang napili ng walong kasaling koponan matapos na umabot hanggang  ika-18 round ang naturang Draft.

Pinakamaraming kinuha sa Draft ang bagong saling Province of Batangas. Hindi naman sumali sa Draft ang Jose Rizal University dahil nais nitong mapanatiling buo ang komposisyon ng koponan bilang paghahanda nito sa 2017 season ng NCAA.

Ikalawang pumili ang Tanduay kung saan kinuha nito ang sentro ng Letran Knights na si Jomari Sollano. Pinili naman ng Racal bilang third pick ang mula Colegio de San Lorenzo na si Jonjon Gabriel habang napunta si Art Patrick Aquino para sa No. 4 ng Café France.

Siniguro ng Wangs sa ikalimang pick ang sentro ng Ateneo Blue Eagles na si GBoy Babilonia habang kinuha ng Cignal-San Beda ang manlalaro nito na si Davon Potts. Kinuha naman ng Batangas ang homegrown talent  na si Wilmar Anderson.

Napunta rin sa AMA Online sina Jeepy Faundo, Mario Emmanuel Bonleon, Emil Renz Palma, Peejay Barua, Sabah Ala Cox, Jason Riley, Kim Pojol, Maui Bernabe at JR Gaco.

Kinuha naman ng Tanduay ang ABL standout na si Jason Brickman pati sina Monbert Arong, Paul Varilla at Andres Cajilig habang napunta sa Racal sina Jeric Balansa, Mark Tallo, Fil-Am Darrel Singontiko, Janjan Sheriff, Antonio Coronel, Thomas Torres at Regieboy Basibas.

Isinama naman ng Café France sina  Michael Veron, Orlan Wamar, Arvin Capobres, Ailyn Bulanadi, Justin Mercado,at Ceazar Ortega habang idinagdag ng Wangs sina Justin Arana, Chris Calata, Ryan Ayonayon at si Arvin Lacsamana.

Napunta sa Victorias sina Nikko Lao, Jaymark Mallari, Juan Baliday, Gianne Rivera, Justine Padilla, Allan Dela Cruz, Alexander Linsay, Miguel Plata, Harold Butron, Mustafa Haruna at Marvin Lee.

Ang Cignal ay bubuuin nina Robert Bolick, Arniel Soberano, Calvin Oftana, John Bahio, Jose Presbitero, Kenneth Alas, Kyle Carlos at Franz Carlos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending