2019 PBA D-League season bubuksan sa Pebrero 14
MAS malaking torneo na katatampukan ng mga kapanapanabik na mga laro at balanseng kumpetisyon ang bubuksan ng PBA D-League sa Pebrero 14.
“From six teams in the Foundation Cup last year, we now have a record field of 20 teams this season,” sabi ni PBA D-League head of operations Eric Castro sa pagdalo niya sa “Usapang Sports” forum na hatid ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) Huwebes sa National Press Club sa Intramuros, Maynila.
“Also, from two conferences per season, the Aspirants Cup and the Foundation Cup, we will have only one this year.”
Ang 20 koponan, na ang 16 ay school-based teams, ay hahatiin sa dalawang grupo.
Ang Aspirants Group ay bubuuin ng AMA Online Education, Batangas-Emilio Aguinaldo College, Chelu Bar and Grill, Cignal-Ateneo, Family Mart-Enderun College, Go For Gold-College of St. Benilde, University of Santo Tomas-Ironcon Builders, McDavid, Petron-Letran at St. Clare College.
Ang Foundation Group ay binubuo naman ng Centro Escolar University, Chadao-Far Eastern University, Gerry’s Grill-Diliman College, Marinerong Pilipino, Metropac Movers-San Beda, Perpetual Help Altas, SMDC-National University, The Masterpiece-Trinity University of Asia, Valencia City Bukidnon-San Sebastian at Wangs Basketball.
Matapos ang single-round robin elims, ang top four teams mula sa bawat grupo ay aabante sa crossover quarterfinal round.
Susundan ito ng best-of-three semifinals at best-of-five series Finals.
Ang opening ceremony ay gaganapin ala-1 ng hapon sa Ynares Sports Arena, Pasig City. Susundan ito ng alas-2 ng hapon na laro sa pagitan ng Cignal-Ateneo at Go For Gold-CSB at ang alas-4 ng hapon na salpukan ng Marinerong Pilipino at Valencia City-SSCR.
Dumalo rin sa sports forum na suportado ng Philippine Sports Commission (PSC) at National Press Club (NPC) at napapanood ng live sa Facebook via Glitter Livestream ang mga coach na sina Yong Garcia ng Marinerong Pilipino, Lou Gatumbato ng Petron-Letran, Jimmy Manansala ng St. Clare-Virtual Reality, Mike Saguiguit ng University of Perpetual Help-Rizal, Benjie Diswe ng AMA Online Education at Christopher Co ng UST-Ironcon Builders.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.