Itinadhanang tagumpay | Bandera

Itinadhanang tagumpay

Barry Pascua - August 26, 2017 - 11:15 PM

KUNG hindi itinadhana ang tagumpay ng Cignal HD sa nakaraang Foundation Cup ng PBA D-League, ano ang tawag doon?

Tingin ko kasi ay nakaguhit na sa kapalaran ng Hawkeyes at ni coach Teodorico Fernandez III ang panalo. Nakalista na sa kasaysayan ng basketball na maisasakatuparan ng Cignal HD ang pagkumpleto ng back-to-back na kampeonato at hindi sila mahaharangan.

Bakit ko nasabi ito?

E kasi ang nakalaban ng Hawkeyes sa best-of-three Finals ay ang Centro Escolar University Scorpions sa halip na ang Flying V Thunder!

Biruin mong collegiate team ang nakaengkwentro ng Hawkeyes! Naghahanda lang naman ang Scorpions para sa darating na 2nd season ng Universities and Colleges Basketball League (UCBL) na mgbubukas sa Setyembre 7.

Ang tropa ni coach Efren “Yong” Garcia ang siyang defending champion ng UCBL.

Bonus na para sa Scorpions ang makarating sa PBA D-League Finals dahil sa hindi naman talaga malakas ang kanilang lineup. Sino ba ang sikat nilang player?

Tanging ang Congolese center na si Rodrigue Ebondo ang matindi nilang manlalaro. Kulang na kulang sa suporta si Ebondo. No-named-stars ang team na ito, e.

Natsambahan lang talaga ng Scorpions ang Thunder sa best-of-three semifinal round.

Ang talagang inaasahang pumasok sa Finals ay ang Flying V matapos na mawalis nito ang elimination round, 10-0. Tinatawag ngang ‘Dream Match’ para sa kampeonato ang Flying V-Cignal HD, e.

Pero hindi iyon nangyari. Nawalan ng ningning ang tropa ni coach Eric Altanirano matapos na mapanalunan ang Game One ng semis laban sa CEU, 65-61. Doon pa lang ay kita na nahirapan ang Thunder. At pagkatapos ay hindi sila nakagawa ng adjustments.

Tuloy ay tinambakan sila ng Scorpions, 93-72, sa Game Two upang mapuwersa ang winner-take-all Game Three. At nakaulit ang CEU, 72-67.

Sa Finals ay hindi naman nagpabaya ang Cignal HD dahil sa nakita nila na may anghang ang CEU. Ayaw naman nilang mapahiya rin sila ng isang collegiate team.

Kaya hayun pinulbos nila ang Scorpions, 78-56, sa Game One at umulit, 79-69, sa Game Two.

Ang mga panalong ito ay nagawa ng Hawkeyes kahit na wala sa kanilang poder si Reymar Jose na miyembro ng Philippine Team na kumakampanya sa 29th Southeast Asian Games na ginaganap kasalukuyan sa Kuala Lumpur, Malaysia.

So kahit na kulang ng estrelya ang tropa ni Fernandez, they were still up to the task.
Tiyak na pipilitin ng Cignal na patuloy na maghari sa D-League at masundan pa ang dalawang kampeonatong napanalunan na. Kumbaga ay parang NLEX Road Warriors na dinomina ang mga unang taon ng liga.

Ang tanong ay kung nandiyan pa ang Flying V?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Baka kasi nadala dahil sa nangyaring kabiguan at kahihiyan!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending