Martin Romualdez, misis humingi ng tulong sa members ng showbiz press para sa PWDs
NAGKAROON ng “meet the entertainment press” ang mag-asawang ex-Cong. Martin at Yedda Marie Romualdez at isinama pa nila ang ilang kaibigang PWDs (Person With Disabilities) na nais nilang tulungan.
Sabi ng dating kongresista, “Ito ang personal advocacy natin to further the interest of PWDs. We’re happy and glad to have our law, The Expanded Magna Carta for Persons With Disabilities signed into law.
“And just last month, through all the efforts of those our friends and I would like to make a special mention to the congresswoman of the First District of Leyte, Yedda Marie Romualdez for helping us and the Implementing Rules and Regulations signed.
“We have other issues like the actual provisions from the Department of Health refined further. We are working hand in hand with the representative of Mercury Drug to provide better services, better privileges like discounts, the VAT exemption aligning to this law,” sabi pa ng politiko.
Personal ding nagpasalamat si Martin sa suportang ibinigay ng entertainment press sa kanya at sa pamilya nito nang kumandidato siya bilang senador nitong nakaraang eleksyon.
At kung bibigyan ulit ng pagkakataon ay gusto niyang kumandidato ulit sa 2019 hindi lang para sa kababayan nating PWDs kungdi sa iba pang marginalized sector ng lipunan.
May ipinasang batas si Mr. Romualdez na pasok ang benepisyong VAT exemption, dagdag na 20% additional discount sa specific goods and services at maximum na 32% discount sa piling goods at services. Lahat ng Filipino at dual citizens na rehistrado sa bansa ay kasama sa benefits pag PWDs.
Kapag naayos naman ng Department of Health ang Implementing Rules and Regulations ang mga gamot na para sa mga kababayan nating PWDs ay kaagad namang ipapatupad ng Mercury Drug base sa esplika ng respresentative nito na present din sa event.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.