Pagpapaseksi ni Jessy sa pelikula may basbas ni Luis: Sanay na po ako diyan! | Bandera

Pagpapaseksi ni Jessy sa pelikula may basbas ni Luis: Sanay na po ako diyan!

|December 21,2016
facebook
share this

Pagpapaseksi ni Jessy sa pelikula may basbas ni Luis: Sanay na po ako diyan!

- December 21, 2016 - 12:10 AM

jessy mendiola at luis manzano
IPINAGTANGGOL uli si Jessy Mendiola ng kanyang nanay laban sa mga matataray na bashers – ito’y may konek sa pagkuha sa Kapamilya singer-actress na si Sue Ramirez bilang bagong honorary ambassador for tourism sa South Korea.

Si Jessy kasi ang pinalitan ni Sue kaya naman wala na namang tigil sa pamba-bash sa girlfriend ni Luis Manzano ang ilang netizens. Feeling kasi nila ay talagang tinanggal si Jessy sa nasabing posisyon.

Mismong ang Korean Tourism Organization (KTO) ang nag-announce na si Sue Ramirez ang napili nila bilang bagong honorary ambassador for tourism dahil sa magandang imahe ng dalaga at sa pagiging mahiligin nito sa K-Pop.

Agad namang umalma ang nanay ni Jessy na si Didith Garvida at niresbakan ang bashers ng anak. Ayon kay Gng. Didith hindi tsinugi ng KTO si Jessy, natapos na raw ang kontrata ng anak sa nasabing kumpanya.

“May contract ang pagiging ambassador po. Tapos na po ang kontrata. Let us have good vibes my friend. Wala naman ginagawa si Jessy sa inyo and they’re friends ‘wag na po natin bigyan ng malisya God bless,” ang mensahe ng nanay ni Jessy. Dagdag pa nito, tatlong taon nang nagsilbing honorary ambassadress ang dalaga kaya dapat lang na mabigyan ng chance ang iba.

Samantala, mukhang hindi naman affected si Jessy bagong pamba-bash sa kanya. Ayon sa Kapamilya actress, hindi na niya masyadong iniintindi ang mga bashers ngayon.

Ang mahalaga raw ay tuloy-tuloy lang ang pagtatrabaho niya and of course, super happy din ang kanyang personal life with his boyfriend around. Bukod nga sa kanyang mga regular show sa ABS-CBN, meron pa siyang bagong pelikula ngayon, ang latest offering ng Star Cinema at Skylight Films na “Extra Service”.

Makakasama ni Jessy dito sina Arci Muñoz, Coleen Garcia, Ejay Falcon, Enzo Pineda at Vin Abrenica, sa direksyon ni Chris Martinez. Ito ang magsisilbing unang pasabog ng Star Cinema sa pagpasok ng 2017.

Nakasentro ang pelikula sa mga exciting at nakakalokang adventures nina Aw (Coleen), Em (Arci) at Gee (Jessy) na gaganap na mga masahista sa umaga at mga sexy secret agents sa gabi. Bilang mga miyembro ng #SexySquad, naatasan ang tatlo sa isang top-level secret mission upang makuha ang “Perlas Ng Silangan” kapalit ng kanilang buhay at kalayaan.

Ito ang kauna-unahang kolaborasyon sa pelikula nina Coleen, Arci at Jessy na lahat ay masasabing certified cover girls at epitome kung tawagin ng “babae power” base sa kanilang indibidwal na mga narating bilang mga aktres. Ito rin ang kanilang first sex-comedy-action kaya siguradong ibang putahe na naman ang inyong matitikman ngayong 2017.

Showing na ang “Extra Service” sa Jan. 11 sa mga sinehan nationwide. Makakasama rin sa pelikula si Carmi Martin.

Still on Jessy, walang problema kay Luis Manzano kung magpa-sexy man ang kanyang dyowa sa mga proyekto nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Siguro nasanay naman ako sa mga ganyan dahil ang mga magulang ko ay kapwa mga artista din kaya alam na natin kung ano ang trabaho ay trabaho lang. Sabi ko nga sa kanya, okay lang, honestly mas blessed siya sa kin ngayon dahil sa mga dumarating na projects sa kanya and I’m always here to support her,” ayon pa sa Kapamilya TV host-comedian sa isang panayam.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending