Mikee Quintos ayaw sa politika kahit galing sa political family | Bandera

Mikee Quintos ayaw sa politika kahit galing sa political family

Jun Nardo - December 20, 2016 - 12:30 AM

mikee quintos

NAMIGAY ng Pamasko ang Kapuso actress na si Mikee Quintos sa nakaraang mga araw kasabay ng kanyang birthday sa kanilang mga kabarangay at kapitbahay sa Sampaloc, Manila.

Kilala ang Quintos family sa lugar nila dahil angkan sila ng pulitiko.

Pero sa pagpasok ni Mikee sa showbiz na kasalukuyang napapanood sa fantaseryeng Encantadia ng GMA, lalong nakilala at sumikat ang pamilya sa kanilang lugar.

‘Yun nga lang, wala sa isip ni Mikee na tularan ang pagiging politician ng ama na si Wardee na kasalukuyang konsehal sa 4th district at ng inang si Jo na nine years namang nanungkulan bilang konsehala. Tutulong na lang sa pagkampanya ng ama lalo na nga’t dumarami na rin ang followers niya.

Isa sa bumati kay Mikee sa Instagram ay si Ruru Madrid na gumaganapa na “tatay” niya sa Encantadia, nag-post pa ang binata ng picture nilang dalawa.

“My beautiful daughter sa Encantadia and My Best Friend in real life Happy Birthday you know how much I love you actually kaming dalawa ni Gab love na love ka namin…

“First time palang kita makita alam ko na agad magiging magkaibigan tayo dahil super bait mo cool and sweet…

“Alam mo na ikaw lang bestfriend ko bukod kay Gabs!! 1 day lang tayo di magkasama miss na kita agad ganun kit aka Mikee Quintos.

“Magaling kang actor and kita ko na love mo rin ang craft mo wag lang magbabago matutupad mo lahat ng dreams mo. Happy birthday I love you @mikeequintos.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending