Ian Veneracion asar-talo kina Bea at Iza, tinawag na ‘Tito’ | Bandera

Ian Veneracion asar-talo kina Bea at Iza, tinawag na ‘Tito’

Ambet Nabus - December 18, 2016 - 12:15 AM

iza calzado ian veneracion at bea alonzo

Asaran at kulitan naman ang namayani sa presscon ng A Love To Last, ang pambuwena-manong teleserye ng ABS-CBN sa 2017.

Bibida nga uli rito si Bea Alonzo kung saan makakasama rin niya sina Iza Calzado at Ian Veneracion.

“Tito,” ang kantiyaw na tawag nina Bea at Iza kay Ian na hindi naman itinangging mas may edad siya sa kanyang mga leading lady. “Bata lang akong nagsimula sa showbiz,” sagot nito sa kantiyaw ni Iza na 1982 pa lang ay artista na ang aktor gayung 1981 naman siya ipinanganak.

Hirit naman ni Bea, “Oo nga, bata pa ako napapanood ko na siya, di ba Tito, ay Papa I?”

Pag-aagawan nga nina Bea at Iza sa A Love To Last ang aktor na tunay namang bonggang-bongga na nabigyan ng leading man break sa showbiz after being relegated to doing minor roles in films or TV soaps.

Hanep din ang co-stars nila sa soap, makakasama nila rito sina Enchong Dee, ang tambalang Julia Barretto at Ronnie Alonte, sa direksyon ni Jerry Sineneng.

Ngayong Jan. 7 na ito eere at nang tanungin namin kung anong show ang papalitan nito sa primetime, wala pang sinabi ang Corporate Communication ng network. Feeling namin, ang serye nina Jericho Rosales at Arci Muñoz ang posibleng magwakas na at palitan ng A Love To Last.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending