Tugade, Orbos palpak! | Bandera

Tugade, Orbos palpak!

Lito Bautista - December 16, 2016 - 01:14 PM

WALANG naidudulot ang mapanghusga. Nagiging sanhi pa nga ito ng away, gulo’t pagkakawalay; o ang tuluyang pagkalusaw ng paninindigan. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Is 48: 17-19; Slm 1:1-2, 3, 4, 6; Mt 11:16-19) sa ikalawang linggo ng Adbiyento.

Ilang pari sa Diocese of Malolos ang nagpaalala sa mapanghusga, sa isyu ng Marcos burial. Nakapagtataka na biglang naging mapanghusga ang mga batang estudyante ng ilang Catholic schools at tamad mag-google (ang pagsasaliksik noon ay ilang oras at araw na ginugugol sa mga aklatan). O kay dali naman maglaho… kisapmata ka lang pala.
Sayang. Marami ang di nakakikilala sa pulis na si Wally Sombero. Isang beteranong pulis lang pala ang yumugyog sa gobyernong Duterte, na ang pundasyon ay nakalubog daw sa buhangin ng San Beda at Lex Talionis. Baka makuha ng dilaw si Sombero.

Sa wakas, nabisto na ang kawalang-alam ng tropang Davao at ni Tim Orbos sa trapik sa Metro Manila ngayong pasagsag na ang kapaskuhan. Bumababa ng bus at naglalakad na ang mga pasahero sa EDSA dahil mas makararating pa sila sa patutunguhan kung maglalakad. Talagang walang silbi sina Arthur Tugade at Orbos!

Sayang. Galing pa naman kayo sa mamahalin at tanyag na mga unibersidad. Ano ngayon ang ipagmamalaki ninyong turo ng inyong burgis na edukasyon (critical thinking, analysis)? Bakit di ninyo tanungin ang naka-motor na mga mensahero ng JRS, LBC at riders ng fastfood? Hindi sila galing sa mamahalin at tanyag na mga unibersidad dahil sila’y mahihirap, pero may solusyon sila.

Naliligaw ng landas si Digong sa kanyang kampanya kontra droga. Ang droga ay masamang puno, tulad ng bawal na puno ng kasalanan sa Paraiso, na ibinilin ng Ama kina Adan at Eba. Pero ang hinahambalos ni Digong ay ang bunga. Kapag masama ang puno, binubunot ang ugat at binubuhusan ito ng asido o sinusunog.

Ang ugat ng droga ay sina Benigno Simeon Aquino 3 at Mar Roxas. Pero marami pang galamay na ugat sina Aquino at Roxas. At ang mga ito ay ang naging mga hepe ng pulisya sa anim na taon ni Aquino. Ang mga pader sa Crame ay may mga sulat at sina Digong at Bato na lang ang nagbubulag-bulagan sa sinasabing writings on the wall.

Sa bawat masamang Puno ay may masasamang ugat, siyempre. Noong panahon ni Aquino, di niya sinisi si Gloria Arroyo hinggil sa droga, kundi sa pagnanakaw na ni sentimo ay walang nakita ang mga korte. Nakita ni Aquino ang maling ekonomiya ni Arroyo (at ang kanya [Aquino] raw ang tama), pero, yun pala, para lihim na lumaki ang ekonomiya ng droga.

Di na dapat salsalin (sensationalize) ang endo ni Leni sa Digong Cabinet. Malinaw na hindi nagsaliksik si Leni sa tunay na katauhan ni Digong. Mabait si Digong pero malupit. Nakararamdam si Digong pero manhid. Mabagsik si Digong sa mabagsik din sa kanya. Si Leni kasi, nakinig sa minion ng LP, at naniniwala pa rin kay Ngoy.

Novato ka lang, Leni, at di angkop para isali sa karera ng Sweepstakes (dahil may mga kabayo na tumatakbo sa Sweepstakes na nanghina at nagpahinga at isasabak na naman bilang tune-up entry). Ang hirap sa iyo, nagpapanggap kang malakas sa kuwadra ng mga estalyon.

Hindi bongga ang Paskong Martial Law 1976 sa Evening Post, dahil Ilokano si Marcos. Inalis ang curfew, at sa ibang lugar ng bansa ay “niluwagan.” Umpisa ng kampanya kontra scalawags, kaya wala namang abusadong PC at PA sa Manila & Suburbs. Bagaman walang trapik, walang lasing na driver ang nasasangkot sa banggaan, dahil takot sa 1081.

PANALANGIN: Jesus, turuan mo akong maging mahinahon sa lahat ng mga pangyayari sa buhay. Turuan mo akong maisantabi muna ang aking maling damdamin. Fr. Mar Ladra, Diocese of Malolos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

MULA sa bayan (0916-5401958): Bakit hindi tinotokhang ang talunang mga kandidato sa Caloocan gayung napatay na ang drug lord na kasama nila? Ano ba ang kinatatakot ng mag-amang Malapitan? …7552

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending