San Miguel Beermen nakalusot sa Mahindra Floodbuster
Mga Laro sa Miyerkules
(Araneta Coliseum)
4:15 p.m. NLEX vsBlackwater
7 p.m. Meralco vs Alaska
NAGPAKITA ng katatagan ang San Miguel Beermen para matakasan ang Mahindra Floodbuster, 94-91, sa kanilang 2016-17 PBA Philippine Cup game Linggo sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.
Nangangapa pa para makuha ang dating porma, kinailangan ng Beermen na bumangon buhat sa 13 puntos na paghahabol, 24-11, sa unang yugto bago nagtulungan sina Arwind Santos at June Mar Fajardo para maipuslit ang panalo.
May pagkakataon sana si Alex Mallari na ihatid ang laro sa overtime subalit sumablay ang kanyang 3-pointer sa pagtunog ng buzzer para mahulog ang Floodbuster sa ikaapat na diretsong pagkatalo.
Gumawa si Junemar Fajardo ng double-double sa itinalang 28 puntos at 15 rebounds habang si Santos ay may 18 puntos at siyam na rebounds para pamunuan ang Beermen na umangat sa 3-1 kartada.
Nag-ambag naman si Alex Cabagnot ng 15 puntos at limang rebounds para sa San Miguel Beer.
“This is a good lesson for us. We can’t underestimate any team in the PBA because every team is already strong,” sabi ni San Miguel Beer coach Leo Austria.
“We’re lucky that we still won. Whether it’s 50 points or one point, it’s still a win. I’ll take it to my heart.”
Nagtala si Mallari ng 21 puntos at walong rebounds habang si Joseph Eriobu ay nagdagdag ng 17 puntos at anim na rebounds para pangunahan ang Mahindra.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.