La Salle Green Archers isang panalo na lang sa korona | Bandera

La Salle Green Archers isang panalo na lang sa korona

Angelito Oredo |December 04,2016
facebook
share this

La Salle Green Archers isang panalo na lang sa korona

Angelito Oredo - December 04, 2016 - 10:00 PM

Laro sa Miyerkules
(Araneta Coliseum)
2 p.m. Awarding Ceremony
3:30 p.m. La Salle vs Ateneo (Game 2)

SINANDIGAN ng De La Salle University si Jeron Teng sa krusyal na sandali sa paghulog nito ng pang-abanteng puntos at importanteng shotblock upang iwasan ang muntik na pagkulapso at biguin ang karibal na Ateneo de Manila University, 67-65, sa Game One ng UAAP Season 79 men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena, Pasay City Sabado.

Isinagawa ni Teng ang isang acrobatic shot sa natitirang 15.1 segundo para sa kanyang ikaapat na puntos sa huling yugto na muling nagbigay sa Green Archers sa pagkapit sa abante matapos na dominahin ang laban, 66-65, bago inilatag ang matinding depensa upang lumapit sa pagsungkit sa una nitong titulo sapul noong 2013.

Hindi hinayaan ni Teng na masayang ang kanyang pagbibigay ng abante sa Green Archers matapos nitong blangkahin ang jumpshot ni Aaron Black ng Blue Eagles sa natitirang 10 segundo upang mangailangan na lamang ng isa pang panalo ang La Salle tungo sa pagsiguro sa kabuuang ikasiyam na titulo sa liga.

“I just have to step up, I wasn’t getting my rhythm in the game, I am lucky to block the shot and had to get better in the next game,” sabi ni Teng, na nagtala ng kabuuang 10 puntos, apat na rebound at tatlong assist.

Mainit na nagpasimula ang Green Archers matapos nitong itala ang pinakamalaking abante sa 17-2 bomba sa unang yugto na nagtapos sa 19-6. Gayunman, unti-unting lumapit ang Blue Eagles sa sumunod na tatlong yugto at nagawa pa na itabla ang iskor sa 52-all patungo sa ikaapat na yugto.

Agad naman naghulog ng 7-0 atake ang La Salle para sa ikaapat na yugto upang itala ang 59-52 abante mula sa isang tres ni Aljun Jay Melecio at jumpshot nina Ben Mbala at Teng.

Gayunman, gumanti ang Blue Eagles sa pagpasabog ng 11-6 bomba upang dumikit sa 63-64. Nagawa pa nitong agawin ang abante sa 65-64, may 34.6 segundo pa sa laro, mula sa hindi nakumpletong 3-point play ni Joseph Matthew Nieto.

Una munang binalewala ng mga referees ang buzzer-beater ni Teng na dapat sanang magbibigay ng 66-63 abante sa Green Archers matapos na makita na naubusan ng oras ang La Salle team captain bago binitiwan ang bola.

Gayunman, agad na umatake si Teng sa natitirang 34.6 segundo upang ibalik sa La Salle ang abante bago sinupalpal ang atake ng Blue Eagles upang kumpletuhin ang pagtulak sa Green Archers sa panalo.

“Ang gusto lang namin, wala silang makuhang rebound as a team, but it turns out na lahat na sila ngayon ay nakakakuha ng rebound,” sabi ni La Salle coach Aldin Ayo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending