Komento ng matatanda: Onyok baka mahawa ng kabaklaan kay Awra | Bandera

Komento ng matatanda: Onyok baka mahawa ng kabaklaan kay Awra

Reggee Bonoan - December 04, 2016 - 12:10 AM

onyok at awra

SOBRANG nalungkot daw ang aktor na nagtanong sa takilyera ng Eastwood City Mall noong opening day ng mga pelikula kung ano ang mas malakas, ang “The Super Parental Guardians” o ang “Enteng Kabisote 10”.

“Nalungkot nga po siya (aktor), parang nagtataka, sabi naman namin puro matatanda at binatilyo’t dalagita ang nanood ng ‘SPG’, wala pang gaanong bata. Baka bukas (kahapon, Sabado) pa ang mga bata sa Enteng,” sabi ng takilyera sa amin.
Sabagay, ang layo nga naman ng distansiya ng P75 million na kinita ng “The Super Parental Guardians” sa P15 million ng pelikula ni Vic Sotto.

Going back sa aktor na nagtanong sa kita ng dalawang pelikula, may kasama raw itong nanood ng “Enteng” at iilan nga lang daw sila sa loob ng sinehan.

Samantala, nu’ng nanood naman kami ng “SPG” ay nakarinig kami ng komento na, “Hindi kaya mahawa na si Onyok kay Awra sa kabaklaan? Kasi tingnan mo, kumekendeng na rin.”

Pawang may edad na ang mga nagkukuwentuhan kaya hindi na lang kami kumibo. Gusto sana naming sabihin sa kanila na hindi naman sakit ang pagiging bakla kaya bakit naman “mahahawa” si Onyok?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending