Female star malas sa kuripot na dyowang aktor, bulakak lang ang kayang iregalo
HALA! Isang gabing nagpapahupa nang matinding trapik ang isang grupo ng mga taga-showbiz ay napagtuunan nila para gawing pulutan ang isang kontrobersiyal na magkarelasyon.
Kung kaguwapuhan at ganda ang pag-uusapan ay walang dudang bagay na bagay sila, nagkakaisa ang lahat sa umpukan sa pagsasabi na magiging maganda ang kanilang anak, dahil sa ganda ng kanilang kumbinasyon.
Pero may isang anggulo ang kanilang relasyon na hinalakhakan ng lahat sa umpukan, ‘yun ang talagang pinagpistahan, dahil hindi pa kuno kilalang-kilala ng girl ang kanyang boyfriend.
Hindi raw puwedeng pagbintangan ang aktres sa pagiging bilmoko at gold digger dahil hindi talaga siya makalulusot. Ipinaglihi kuno sa tiyani ang aktor na super-kuripot.
Pagbangka ng isang becki sa umpukan, “Ano, kaya niyang paglabasin ng datung si ____ (pangalan ng aktor) para lang ipambili ng mga luho niya? Malaking challenge ito, tingnan nga natin!
“Susme! Kung ‘yun ang nasa utak niya, e, hindi siya magtatagumpay, promise! Napakakuring ng BF niya, mabuti nga kung madalas siyang idini-dinner nu’n sa labas dahil mahusay humawak ng pera ang lalaking ‘yun!
“Kaya kung ang nasa utak ng girl, e, lalambing siya ng kung anu-ano sa BF niya, e, teka lang muna! Hanggang flowers lang ang kayang ibigay nu’n sa kanya at paminsan-minsan lang ‘yun, ha?” humahalakhak na kuwento ng becki.
Ang kuwento ng source ay sinang-ayunan pa ng isang impormante sa umpukan, totoo raw na napakakuripot ng guwapong male personality, mismong mga kapamilya raw niya ang nagpapatotoo kung gaano kasarado ang zipper ng kanyang bulsa.
“Naku po! Good luck na lang sa girl. Magaling sa pananalapi ang BF niya, kaya no way, highway ang kung anumang pangarap niyang mga stuff na puwedeng ibigay sa kanya ng boyfriend niya!
“Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kilalang-kilala n’yo kung sinu-sino ang mga bumibida sa kuwentong ito, suwerte n’yo!” pagtatapos ng aming source.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.