Bossing: Si FPJ ang nagbilin sa akin na gumawa ng movie na pambata | Bandera

Bossing: Si FPJ ang nagbilin sa akin na gumawa ng movie na pambata

Jun Nardo - November 26, 2016 - 08:00 PM

vic sotto at vhong navarroMGA bata rin ang rason ni Vic Sotto na hindi pinahalagahan ang panlasa ngayong 2016 festival kaya nalulungkot din siyang hindi isinama sa official entries ang movie niyang “Enteng Kabisote 10 & The Abangers.”

Nakatatak sa utak ni Vic ang kapakanan ng mga bata pag gumagawa siya ng festival movie. Kay yumaong Fernando Poe, Jr. daw niya natutunan ang ugaling ‘yun. Si Da King daw ang nagsabi sa kanya na kailangang gumawa siya ng pelikulang pambata tuwing Pasko.

Hindi man napili ngayon ang pelikula, depende pa rin daw sa rules ng Executive Committee kung sasali uli siya next year.

“Nu’ng ng una kasi, after the congressional hearing the decided on this na parang they’d rather go for the indie films. Nu’ng una, sabi ko sa mga partner ko, hindi muna ako gagawa. Kasi hindi ako sanay na gagawa ng indie film.

“Mas gusto ko, it’s a personal choice kung anong pelikula na magugustuhan ng buong pamilya, lalo na ang mga bata.
“Tapos, medyo nagkaroon ng pagbabago ng hangin. Ang pagkakaintindi namin, hahatiin na lang. Kalahati mainstream, kalahati indie.

“Doon pa lang, parang medyo hindi na tama eh. Pareho kami ng pananaw ni Marlon (Rivera). Hindi dapat ina-identify na indie, na mainstream. Basta lahat ‘yan pelikula. Kanya-kanyang taste.

“Ito ang gusto ko wala kayong pakialam. So we decided to do, go ahead to shoot ‘Enteng 10’. Siyempre pag Enteng Kabisote at kahit noon sa pelikulang ginagawa namin before, we make sure na malinis ang gawa.

“Maybe sa isang tao, wala sa kalidad nila ‘yon pero taste nila ‘yon. Pero heto ang taste namin sa pelikula. We make sure na it will be for the whole family. We make sure that photography will be nice. Kaaya-aya sa mga mata ng manonood kasi halos dalawang oras mong panonoorin ‘yan, di ba?

“Kailangan maganda ang view, nakikita mo, tapos maayos ang acting mapa-comedy man o hindi. Kahit anong ginagawa, kailangang malinis, pulido ang pagkakagawa.

“For next year? We’ll see how it goes. Baka naman sabihin nila puro indie pa rin. We’ll try again next year or next, next year! Para naman makasakay ng float itong si Bea Binene! Medyo nalulungkot siya hindi siya makakasakay ng float. Gusto mo mag-float kang mag-isa mo!” paliwanag ni Vic saka biniro si Bea na katabi sa mesa sa presscon ng movie.

Unang nabalita na Dis. 7 ang bagong playdate ng “Enteng 10” pero sa presscon, inihayag na Nob. 30 na ito at head-on sa movie nina Vice Ganda at Coco Martin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending