Janice sa desisyon ng MMFF: OK sa akin yun!
KUNG maraming artistang umalma sa mga bagong patakaran ng MMFF committee, kabaligtaran naman ang pananaw ni Janice de Belen na ilang beses nang naging bahagi ng taunang festival.
Ayon sa aktres, walang masama sa bagong istilo ng screening committee sa pagpili ng official entries kung para naman ito sa ikauunlad ng movie industry.
“It’s good, it’s actually good! Aminin na natin ang mga movies na ginagawa natin ngayon kailangan sigurado, dapat formula at sigurado tayo na magwo-work, ‘di ba? Indie films are more experimental, are braver in terms of storyline, in terms of casting,” aniya sa panayam ng entertainment reporter sa thanksgiving presscon para sa huling linggo ng daytime series na Be My Lady sa ABS-CBN.
“Ako, I’m happy ng ganu’n kasi malay mo one day hindi na siya kailangan tawagin na indie at mainstream film na rin siya which is good for everybody because maraming artista at marami ang gusto magtrabaho,” sey pa ni Janice.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.