Sigaw ng fans: Aga, Janice muling pagtambalin, may kilig pa rin

Sigaw ng fans: Aga, Janice muling pagtambalin, may kilig pa rin

Ervin Santiago - August 13, 2024 - 06:45 AM

Sigaw ng fans: Aga, Janice muling pagtambalin sa pelikula!

Aga Muhlach, Janice de Belen at Poppy Caritativo

IN FAIRNESS, mukhang marami pa ring fans and supporters ang dating magdyowa na sina Janice de Belen at Aga Muhlach.

Mula nang maglabasan ang kanilang litrato together na kuha sa wake ng Regal Entertainment matriarch na si Mother Lily Monteverde ay may mga nagsi-ship uli sa kanila for a reunion project.

Ilang netizens ang nagsabi na may chemistry at may magic pa rin ang kanilang tambalan at sigurado sila na buhay na buhay pa rin hanggang ngayon ang kanilang mga tagasuporta.

Baka Bet Mo: Sharon, Gabby parehong nag-sorry kay Janice: Nahiya talaga ako!

At mukhang wala namang problema sakaling magsama uli sa isang teleserye o pelikula sina Aga at Janice dahil okay na okay ngayon ang kanilang relasyon as friends.


Saksi kami sa muling pagkikita ng former couple nang bumisita kami sa lamay ni Mother Lily at agree kami sa comments na nabasa namin sa socmed na may kilig pa rin sila kapag nagsama.

Sa katunayan, kahit ang talent manager na si Popoy Caritativo ay kinilig at na-excite sa reunion nina Janice at Aga. Nag-post siya sa Instagram ng kanilang photo na may caption na, “Aga and Janice. Suddenly, I’m 15 years old again.”

Ilan sa mga nagawang pelikula ng dating lovers sa Regal Films ay ang “Erpat Kong Forgets”, “Bakit Madalas ang Tibok ng Puso,” “When I Fall in Love”, at “Super Wan-Tu-Tri”.

Ginulat ni Janice ang buong kashowbizan nang ibandera niyang nabuntis siya ni Aga sa edad na 18. Nag-propose ang aktor sa kanya pero nag-NO si Janice. Ang katwiran niya, bata pa raw sila ni Aga.

Ang anak nila na si Luigi, ay 37 years old na ngayon at may sarili na ring pamilya at nagtatrabaho bilang chef.

Narito ang ilang comments na nabasa namin sa IG post ni Popoy na karamihan ay nagre-request na sana’y pagsamahin uli sa isang project sina Aga at Janice.

Baka Bet Mo: Hugot ni Janice sa ‘cheating’: Ang daling magpatawad, sasabihin mong, ‘I’m sorry, hindi na mauulit uli’, pero ganu’n pa rin

“Super happy ko makita sila magkasama kahit man lang sa picture, sana magkaroon sila project together.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jonathan Velasco (@jonathanvelasco__)


“I’m at my happiest seeing them both together again. Aga-Janice tandem is still the best for me.”

“Grabe yung ayuda nàto Yung kilig ko umabot na sa North pole. Sana magkaroon sila ng project again.”

“Loveteam na minahal.at iniyakan ko ng hindi nagkatuluyan.”

“Ang blooming ni ms janice.parang inlove. sana kay AGA MUHLACH nalang. Sana nandyan din si Gabby para kumpleto ang araw ni ms janice para may AGA AT GABI.”

“Ganda ng ngiti ni aga.. ibang iba talaga pag si janice kasama nya. greatest love kasi.”

“Napakasayang at hindi sila nagkatuluyan, alam ko nag propose si Aga ke Janice dati na pakasalan sya kaya lng tumanggi si Janice. Iba ang smile ni Aga kapag si Janice ang kasama.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sir Popoy sana Po magbalik tambalan silang dalawa very strong and perfect combination Ang chemistry nilang dalawa Janice Aga matagal na kaming nag aantay ng muli nilang pagtatambal teleserye man o movie.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending