Tisay na female star nakarma, pinagbabantaan ng mga kaaway
NAGING magulo ang takbo ng personal na buhay ng isang tisay na female personality. Marami siyang nakarelasyong taga-showbiz pero sa wala rin ‘yun nauwi.
Nagkaroon siya ng karelasyong nangako sa kanya ng langit at lupa, tinototoo naman nito ang pangakong pakakasalan siya, pero na-ging masa-limuot naman ang kanilang pagsasama.
Hindi siya naging masaya, lahat ng emosyong ipinakikita niya sa publiko ay peke lang pala, dahil palagi silang nag-aaway ng kanyang mister.
Kapag iniinterbyu siya ay puro superlatives ang maririnig mula sa female personality, nakita na rin daw niya sa wakas ang lalaking makakasama niya habambuhay, pero panandalian lang naman pala.
Kuwento ng isang source, “Magulo rin naman kasi ang takbo ng utak ng babaeng ‘yun, e! Pagkatapos niyang makipag-break nu’n sa mga karelasyon niya, e, kung anu-anong kuwento ang ipinagkakalat niya!
“Di ba, naging boyfriend niya nu’n ang isang guwapong hunk actor? Minahal siya nu’ng tao, pero parang pinaglaruan lang naman niya. Ipinamalita pa niya na hindi raw totoong lalaki ang ex niya!
“Nakakaloka siya! Makikipagrelasyon, tapos, sisiraan ang naging BF niya? Hindi lang sa isang lalaki niya ginawa ang ganu’n, sa halos lahat ng ex niya!” kuwento ng aming impormante.
Ngayon ay maraming pinagkakaabalahang problema ang female persona-lity dahil sa paghihiwalay nilang mag-asawa. Bukod sa mga paninirang tinatanggap niya ay meron pa siyang tinatanggap na mga pagbabanta ngayon, isinasama pa ang mismong pamilya niya, kaya problemado ang tisay na aktres.
Panghuling sultada ng aming source, “’Yun ang napala niya! Nabaligtad na ang ikot ng mundo niya ngayon, siya na ang nakakatikim ng mga paninira!
“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, pabalikin n’yo na nga sa bansang pinagdausan ng Olympics ang babaeng ‘yan!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.