Female star feeling superstar na, grabe kung maningil ng talent fee | Bandera

Female star feeling superstar na, grabe kung maningil ng talent fee

Cristy Fermin - November 20, 2016 - 12:15 AM

 

BLIND ITEM FEMALE 0316

HANGGANG meron pang ibang makukuhang performer ang mga show promoters ay iwas na iwas na silang kunin ang serbisyo ng isang female personality na sumobra na kuno ang paniniwala sa kanyang talento.

Wala pa naman siyang napatutunayan, ang ipinagmamalaki lang ng babaeng personalidad ay ang napakaseksi raw niyang katawan, ‘yun lang ang meron siya at wala nang iba pa.

Ilang ulit nang nagpakita ng kanyang kamalditahan ang female personality. Ni hindi siya nagpaparetrato sa mga fans, dumarating sa venue nang hindi nakahanda, du’n siya ngarag na ngarag na nagpapahanap ng minus one.

Dumarating siyang parang sikat na sikat na siya na anumang oras na makita siya ng mga tagahanga ay agad na siyang pagkakaguluhan, kukurut-kurutin at hahalik-halikan.

Kuwento ng isang source, “Hindi pa man, e, ganyan na siya! Paano pa kapag nakilala na talaga siya nang todo? E, wala naman siyang pambenta kundi ang katawan niya!

“Marunong ba siyang umarte? Magaling ba siyang kumanta? Waley! Hanggang sa pakembut-kembot lang naman siya sa stage, pero kung makapaningil siya, e, parang solo concert niya ang gagawin niya!” inis na komento ng source.

Maraming naiinis sa female personality dahil naugnay lang kuno ang kanyang pangalan sa isang pamosong male personality ay parang puwede na niyang ariin ang mundo sa pagmamalaki.

Balik-kuwento ng aming impormante, “Hoy! Kundi pa nadikit ang name niya sa isang kilalang male personality, kundi pa puro lang naman ang relasyon kuno nila ang napag-uusapan, e, nasaan ba siya?

“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, itaboy n’yo nga ang babaeng ‘yan sa isang kilalang lugar sa isang sikat na siyudad na palaging pinupuntahan ng mga rallyista!” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending