Dingdong tuloy ang panliligaw kay Marian kahit may anak na
IBANG klase pa rin ang karisma ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes dahil sa pagpapakilig niya on-screen at off-screen.
Habang maraming umiidolo sa kanya dahil sa husay ng kanyang pagganap bilang Pepe sa Alyas Robin Hood, napukaw din niya ang puso ng kanyang followers dahil sa pag-post nito ng picture ng billboard ng asawang si Marian Rivera na nadaanan niya habang bumibiyahe.
Kalakip ng picture na iyon ang caption na, “Nakaka-good vibes naman ‘tong mukhang ito. Can someone introduce me to this model?”
Kahit mag-asawa na ay parang nagliligawan pa rin ang Kapuso royalties kaya naman marami ang kinilig at nainggit sa klase ng relasyon nilang dalawa kaya naman marami ang nagre-post ng nasabing IG photo ni Marian gamit ang hashtag na #RelationshipGoals.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.