JaDine marami pang pasabog bukod sa love scene
KAYA nga sa mga kissing scenes na gingawa ngayon on TV ng reel and real couple na sina James Reid at Nadine Lustre, partikular sa Till I Met You, lubos kaming naniniwala na mas sweet pa sila off cam.
Sa takbo ng kuwento ngayon ng naturang soap, pagkakaroon ng anak ang isa sa mga isyu ng young couple na mayroong magkaibang pananaw.
May mga nagsasabi na baka raw wala nang ipapakita ang dalawa sa future projects nila dahil nagpakita na sila ng more than kissing on screen, but we beg to disagree.
Kailan ba naman kasi pinagsawaan at naging hindi magandang panoorin ang mga “intimate scenes” lalo na kapag real couple ang involved dito? Ha-hahaha!
Naniniwala kami na marami pang pwedeng ibigay at ihain ang JaDine sa mga manonood, more than the kissing and love scene, huwag lang kayong masyadong mapanghusga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.