Luis wala raw patawad, pati si Keanna Reeves pinatulan | Bandera

Luis wala raw patawad, pati si Keanna Reeves pinatulan

Cristy Fermin - November 12, 2016 - 12:35 AM

KEANNA REEVES

KEANNA REEVES

UMARIBA na naman si Keanna Reeves. Bakit, sabi siguro ng lola n’yo, ibang artista lang ba ang may karapatang mag-ingay? Bakit, siya nga ba naman ay walang karapatang magpasimula rin ng isyu, para naman umingay ang kanyang pangalan?

Aba, hindi puwede ‘yun, matagal na rin siyang hindi nagiging kontrobersiyal! Kailangan na niyang mag-post ng samting na puwede siyang pagpistahan.

At ‘yun nga, sa litanya sa kanyang FB ay sinabi ng may edad nang boldstar na inamin niya sa ex ng isang aktor ang kanilang pinagsaluhang kaligayahan, totoo raw ‘yun.

Napansin daw ni Keanna na parang nawalan ng kibo ang kaharap niyang aktres, nasaktan daw siguro ito, kaya panay-panay ang panghihingi niya ng sorry sa aktres na girlfriend pala nu’n ng aktor na nakasiping niya.

Obyus bang si Angel Locsin ang tinutukoy niyang aktres at si Luis Manzano naman na boyfriend nu’n ni Angel ang nakasama niya sa rurok ng pisikal na pagpapaligaya?

Ewan naman kung trip-trip lang nina Luis at Keanna ang nangyari, pero sabi nga ng isang kaibigan namin, kung minsan pala ay hindi rin umaandar ang taste buds ng aktor.

Ikainis kaya ni Jessy Mendiola ang rebelasyon ni Keanna?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending