Benepisyo sa isang nag-resign | Bandera

Benepisyo sa isang nag-resign

Liza Soriano - November 11, 2016 - 12:10 AM

MAGANDANG araw po sa Aksyon Line. Tawagin n’yo na lamang akong Alyas Ren. Ako po ay isang account executive ng isang publication.

I served my irrevocable resignation dahil sobrang higpit ng pamamalakad sa aming kumpanya kaya nagdesisyon ako na mag-resign at hindi na pumasok sa trabaho.

Ask ko lang po kung covered po ako ng mga benepisyo lalo na ngayong magpapasko. Maaari ko pa po bang makuha ang 13th month pay ko at kung may nilabag po ba ako ag policy ng company? Sana ay matulungan ninyo ako sa aking katanungan. Salamat po.

REPLY: Para sa iyong katanungan, Mr. Ren: Ang irrevocable resignation ay maituturing na voluntary resignation kaya hindi ka entitled sa benipisyo. Kung wala kang 10 taon sa serbisyo, lalong wala kang matatanggap na benipisyo mula sa kumpanyang pinagtrabahuhan mo.

Ngunit obligado ang iyong employer na bayaran ka ng 13th month pay.

Dapat bayaran ng mga pribadong employer ang 13th month pay ng kanilang manggagawa nang hindi lalagpas sa Disyembre 24.

Kailangang bayaran ng lahat ng employer ang mga rank-and-file employee ng kanilang 13th month pay, anuman ang uri ng kanilang empleyo at pamamaraan ng pagbabayad ng kanilang sahod, basta sila ay nakapagtrabaho ng hindi bababa sa isang buwan ng kasalukuyang taon.

Sakaling hindi ito ipagkaloob, karapatan mong magreklamo sa anumang sangay ng DOLE .

Para naman sa iyong katanungan kung may nilabag kang polisiya sa kumpanya—karaniwan ay 30 days ang ibinibigay na palugit bago ka tuluyang lumibas sa trabaho.

Commissioner Dave Diwa
National Wages and Productivity Commission (NWPC)
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending