Matteo, Sarah Pinaghahandaan na ang buhay mag-asawa; Gerald, Rayver nagbigay ng babala
TUWANG-tuwa kami sa mga kuwentong nakarating sa amin nang mag-taping sina Matteo Guidicelli, Gerald Anderson at Rayver Cruz sa Minute To Win It, pati na rin sa guesting nina Rayver at Maja Salvador sa Gandang Gabi Vice.
Sey ng ating source, “Mga lalaki talaga sila teh! Imagine, kaswal na kaswal lang nilang pinagtatawanan ang tuksuhan off air. Kung kilala ninyo si Luis (Manzano, host ng Minute To Win It), kakaiba ang laman ng mga sundot niya, pero nakikisakay lang sila nina Ge, Mat at Rayver.”
Ang tinutukoy ngang “off air private jokes” ay may kinalaman sa relasyon ngayon nina Matteo at Sarah Geronimo na balitang naghahanda na para sa kanilang future as husband and wife.
Sey pa ng source namin, “Umoo pa nga si Mat sa kantiyaw nina Ge at Rayver na dapat silang imbitahan kung magpapakasal na sila or else, magge-gate crash daw sila!” Pareho kasing naging ex ni Sarah sina Rayver at Gerald.
Same source also revealed na, “Ganu’n din kakomportable si Rayver na biruin si Maja (Salvador) na iwasan nitong tawagin siyang bro dahil baka ang ending eh, sila rin ang magkatuluyan.”
Promise, next issue, ibabandera namin ang iba pang detalye sa kantiyawan at tuksuhan ng ating mga bro! Ha-hahaha!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.