Isa ang nanalo ng P66.8 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 sa bola Sabado ng gabi.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office isa lang ang nakakuha ng winning number combination ay 7-16-2-23-36-30.Siya ay tumaya sa lotto outlet sa Ventura Rd., kanto ng Kapitunan, Brgy. Old Balara Quezon City.
Ang nanalo ay mayroong isang taon para kunin ang kanyang premyo sa main office ng PCSO. Kung hindi ito ay mapupunta sa Charity Fund na ipinantutulong sa mga mahihirap na pasyente.
Dalawampung mananaya naman ang nanalo ng P47,680 matapos makuha ang lima sa mga numerong lumabas.
Tig-P730 naman ang 1,040 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 18,122 mananaya na nakatatlong numero.
Ang Grand Lotto 6/55 ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado. Ang minimum jackpot prize ay P30 milyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending