Sharon: Gusto ko mapagkamalan akong girlfriend ni Coco sa sobrang kapayatan! | Bandera

Sharon: Gusto ko mapagkamalan akong girlfriend ni Coco sa sobrang kapayatan!

- November 06, 2016 - 12:20 AM

sharon cuneta
SOBRA pala ang panghihinayang ni Megastar Sharon Cuneta nang hindi na naman siya makapunta sa nakaraang 2016 Star Magic Ball.

Sa loob daw ng 10 taon ay palaging invited si Sharon sa annual event ng Star Magic, nitong mga nakaraang taon ay talagang hindi siya pumupunta dahil sa kanyang katabaan.

Pero dahil nga malaki na ang ipinayat niya, balak niya talagang magpunta sa nasabing event, pero muli hindi umayon ang panahon sa kanya. Sumabay kasi ang petsa ng Star Magic Ball sa second night ng concert niya sa The Theater ng Solaire .

Narito ang makabagbag-damdaming post ni Mega sa kanyang Facebook kamakailan, “ITO ANG MASAKLAP. TEN YEARS KONG HININTAY PUMAYAT PARA MAKAATTEND NG STAR MAGIC BALL DAHIL EVERY YEAR AY INVITED AKO.

“DUMATING NGAYON ANG NAPAKALAKI AT NAPAKAGANDANG INVITATION! SABI KO AGAD SA ASSISTANT KO, WHENEVER THAT IS, I’M GOING! PUPUNTA AKO!

“Excited na excited ako nang bigla akong muntik dumapa flat sa face ko nang sabihin niya sa akin na, MA’AM, KASABAY PO NG CONCERT NIYO SA SOLAIRE NA SECOND NIGHT.

“NASAAN?!!! WALA NANG FOREVER WALA PANG HUSTISYA?!!! HALOS IPA-CANCEL KO ANG CONCERT PERO TORN AKO!”

Umaasa naman ang singer-actress na makaka-attend na siya next year, “Sige na. Next year na lang (nekshyir nat dishyir) ako pupunta. Baka payat na payat na ako noon.”

Kamakalawa, muling nag-post sa FB si Mega, “Di pa rin ako makarecover sa sama ng loob! Nekshyir na talaga God-willing! Gusto ko mapagkamalang ako ang girlfriend ni Coco (Martin) na di nila kilala kung sino kasi ampayat!”

In fairness, napakalaki na nga ng ipinayat ni Sharon, handang-handa na nga siyang sumabak sa mga bago niyang proyekto sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending