Joey Paras sumailalim sa angioplasty; kailangang magpapayat | Bandera

Joey Paras sumailalim sa angioplasty; kailangang magpapayat

Jun Nardo |November 03,2016
facebook
share this

Joey Paras sumailalim sa angioplasty; kailangang magpapayat

Jun Nardo - November 03, 2016 - 12:35 AM

joey paras

SUMAILALIM sa angioplasty procedure ang komedyanteng si Joey Paras. Nag-post siya ng picture matapos ang procedure na ginawa sa kanya sa St. Luke’s Medical Center sa The Fort.

Payo ng doktora ng komedyante, kailangan pa niyang magbawas ng timbang. Pero sa nakita naming hitsura ngayon ni Joey ay ang payat-payat na niya, huh!

Isa si Joey sa mainstays ng Sunday PinaSaya at dahil atake sa puso ang dahilan ng pagkamatay ng kaibigan at paboritong director niyang si Wenn Deramas, iwas na rin siya sa pagtatrabaho nang sagad hanggang buto. Na-realize ni Joey na kailangang alagaan na niya ang kanyang katawan ngayon dahil hindi na rin siya bumabata.

Mahirap nga naman ang magkasakit ngayon, lalo na at traydor ang atake sa puso. Aanhin mo nga naman ang maraming trabaho at talent fee kung mauubos din sa ospital.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending