Eula hinamak ang lahat, ipinaglaban ang boyfriend | Bandera

Eula hinamak ang lahat, ipinaglaban ang boyfriend

Ervin Santiago |October 27,2016
facebook
share this

Eula hinamak ang lahat, ipinaglaban ang boyfriend

Ervin Santiago - October 27, 2016 - 12:25 AM

eula at rocky

NAKAUSAP din ng ilang members ng entertainment press ang award-winning actress na si Eula Valdez tungkol sa paghihiwalay nila ng kanyang long-time model-actor boyfriend na si Rocky Salumbides.

Inamin ng Kapuso actress na isang buwan silang “nagkahiwalay” ni Rocky pero naayos din daw nila ang problema at happy na uli ang kanilang pagsasama.

“Nagkaproblema talaga kami pero hindi na ako magdi-details. Pero first time kong ipinaglaban. Masaya nga ako kasi yung mga co-actors ko, sa Calle Siete, na kasama ko rin sa Princess In The Palace, sila-sila rin yun, e, lahat sila parang, alam mo yun, ang advice sa akin, ‘Go for it!’

“Kasi kilala din nila si Rocky. Tapos hindi lang yun, pati mga anak ko,” ani Eula.

Kahit daw ang mga anak niyang sina Miguel at Juliana ay ka-close rin ni Rocky kaya suportado ng mga ito ang pagbabalikan nila, “Sabi nila, ‘Iyon ba talaga ang gusto mo, pabayaan? So, itatapon mo na lang ba yung eight years?’ Sabi ko, ‘E, hindi pag okay, pagpalagay nating eight years, yung eight years ba na yun…wala naman ‘yun sa tagal ng panahon, e.’ Pero naisip ko, ‘Oo nga.’

“Sobrang bait na tao ni Rocky, wala akong maisip na rason para magalit sa kanya. Na first time kong ipinaglaban yung love sa buong buhay ko,” pahayag ni Eula.

Pagpapatuloy pa ng aktres, “Doon ko na-prove sa sarili ko kung hanggang saan pala ang kaya kong tanggapin.” May nagkomento naman na swak na swak sa kanya ang title ng bago nilang serye, “Korek, pasok na pasok pala sa akin ‘yan, sobra!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending