Eula Valdes hindi na nakapagpigil, sinindak ang pasaway na youngstar: 'Umayos ka, lalamumin kita!' Bandera

Eula Valdes hindi na nakapagpigil, sinindak ang pasaway na youngstar: ‘Umayos ka, lalamumin kita!’

Ervin Santiago |June 06,2023
share this

Eula Valdes hindi na nakapagpigil, sinindak ang pasaway na youngstar: ‘Umayos ka, lalamumin kita!’

Ervin Santiago - June 06, 2023 - 07:18 AM

Eula Valdes hindi na nakapagpigil, sinindak ang pasaway na youngstar: 'Umayos ka, lalamumin kita!'

Eula Valdes

HINDI rin nakaligtas ang batikang aktres na si Eula Valdes sa mga kabataang artista na may pagkabastos at walang respeto sa mga senior stars.

Kuwento ng premyadong aktres na napapanood ngayon sa Kapuso primetime series na “Unbreak My Heart“, may mga karanasan din siya sa mga youngstars na mahilig mag- attitude.

“Oo naman, tahimik lang ako. Sa akin, sa loob-loob ko lang, ‘enjoyin ninyo yan, tingnan natin kung magtagal kayo,'” pagbabahagi ni Eula.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Hindi raw kasi talaga siya mapagpatol sa mga ganitong isyu, hangga’t kaya niyang pagpasensiyahan ay dinededma na lang niya para walang gulo.

Patuloy na kuwento ni Eula, “Dumating ako nu’n sa standby area, nag-uusap sila sa upuan. May kama, bigla silang lumipat dun, meaning, pinamukha nila na yun ang puwesto nila.

“Napahinto lang ako, ‘okay, dito lang ako.’ Pero nasaan na sila ngayon? Wala na sila,” ang natatawang chika pa ng aktres.

Ngunit, one time raw ay talagang hindi na siya nakapagpigil at may mga natarayang mga baguhang artista.

“Bata pa sila nu’ng time na yun. Naglalaro pa sila, may sinabihan ako, nakalimutan ko na exactly pero parang ano, ‘umayos ka, lalamumin kita.’

Baka Bet Mo: Eula naranasan ang matinding init habang nakamotor; mas bumilib sa mga delivery rider

“Parang na-ano siya (na-shock) pero magaling siya ngayon. Actually, magaling na siya noon pa. Wala siyang linya so wala siyang nakalaban,” aniya pa.

Sa tanong kung paano niya hina-handle ang mga artistang hirap ba hirap sa mga eksena at hindi makuha nang tama ang utos ng direktor.

“Hindi ko sila ina-approach, kung sila ay sinabak na di pa ready, hindi ko problema yun. Although ako personally, pag involved ako sa isang project, iisipin ko na sana ganito, nasa utak ko lang ba.

“Kung feeling nila wala silang problema, parang unethical din naman mag-approach kung wala naman silang hinihinging tulong sa iyo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @eulavaldes


“Iniiwasan ko rin yun, ayoko naman na porke’t ano, iisipin mo agad tutulungan mo ako. Bakit, di ko naman hinihingi ang opinyon mo?

“Ang production naman ang makakapansin, from there siguro, kung gusto nilang mag-artista, e di magpatulong sila sa iba,” paliwanag ni Eula.

Samantala, hanggang ngayon ay abot-langit pa rin ang pasasalamat ni Eula dahil nakasama siya sa cast ng “Unbreak My Heart”, ang first ever collaboration ng ABS-CBN, GMA 7 at VIU.

Kasama niya rito sina Jodi Sta. Maria, Richard Yap, Gabbi Garcia, Joshua Garcia, Sunshine Cruz, Romnick Sarmenta at marami pang iba.

“Sobrang saya ko na kasama ako rito. Nagulat ako nung sinabi na magko-collaborate ang GMA at ABS. Sobrang nakakagulat!” sabi ng aktres.

Puring-puri rin niya ang husay ni Jodi sa nasabing serye na una niyang nakatrabaho sa mga Kapamilya series na “Pangako Sa ‘Yo” at “Kampanerang Kuba.”

“Grabe, isa siya sa magagaling na artista. Heto nga, may award na. Ano pa ba ang tatanungin mo at kukuwestyunin mo? Magaling siyang artista, matalino siyang artista,” sabi ni Eula.

Eula pinayuhan si Jodi sa pagiging nanay: ‘Namnamin mo habang nandiyan pa sa ‘yo ang anak mo’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Eula Valdes nag-trending dahil sa pagganap bilang Imee Marcos sa ‘Martyr or Murderer’, netizens disappointed?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending