PSL-F2 Logistics Manila sasagupa sa defending champion Eczasibasi Vitra Istanbul
Mga Laro Ngayon
(Mall of Asia Arena)
4 p.m. Vakifbank Istanbul vs Bangkok Glass Thailand
7 p.m. PSL-F2 Logistics Philippines vs Eczasibasi Vitra Istanbul
SASAGUPAIN ng host PSL-F2 Logistics Manila ang nagtatanggol na kampeong Eczasibasi Vitra Istanbul hangad ang importanteng panalo na posibleng makapagtulak dito tungo sa semifinals ng ginaganap na 2016 FIVB Women’s Club World Championship sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Habang isinusulat ito ay nakatakdang makasagupa ng PSL-F2 Logistics Manila ang kapwa nito nasa unang pagsali rin sa torneo sa Pomi Casalmaggiore kagabi sa krusyal na salpukan na makapagdedetermina sa makakausad sa susunod na labanan ng internasyonal na torneo.
Liliit ang tsansa ng host na koponan sa pinag-aagawang korona kung agad itong mabibigo sa Pomi Casalmaggiore Huwebes ng gabi at mapupuwersa itong ipanalo ang nakatakdang laban ngayon kontra sa defending champion Eczasibasi Vitra Istanbul na binubuo ng mga ekspiriyensado nitong national players.
Tanging ang pumangatlo noong nakaraang taon na Volero Zurich pa lamang ang nakahablot ng unang tiket sa semifinals matapos siguruhin ang isa sa top two spots sa Pool B habang ang Pool A ay nananatiling pinag-aagawan ng apat na nasa grupong koponan sa unti-unting umiinit na aksyon ng torneo.
Nasiguro ng Volero Zurich ang isa sa apat na pinaglalabanang silya sa torneo matapos itala ang ikalawang sunod nitong panalo sa diretsong tatlong set na pagwawagi kontra Hisamitsu Springs Kobe.
Ang ikalawang qualifying spot sa Pool B ay malalaman sa sagupaan Huwebes sa pagitan ng VakifBank kung matatalo nito ang Volero Zurich.
Nagkaroon naman ng tsansa ang PSL-F2 Logistics Manila na makaagaw ng silya sa Pool A matapos na biguin ng Pomi Casalmaggiore ang tumalo rito na Rexona Sesc Rio sa matinding limang set, 17-25, 25-20, 25-20, 19-25, 18-16.
Puwersado ngayon ang Rexona Sesc Rio na talunin ang defending champions Eczacibasi Vitra Istanbul o hintayin ang magiging resulta sa pagitan ng host PSL-F2 Logistics Manila na itala ang pinakamalaking upset kontra Pomi Casalmaggiore.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.