PSL-F2 Logistics Manila tumapos sa ikawalong puwesto | Bandera

PSL-F2 Logistics Manila tumapos sa ikawalong puwesto

Angelito Oredo - October 23, 2016 - 11:00 PM

NANATILING mailap ang panalo sa PSL-F2 Logistics Manila matapos itong yumuko sa Bangkok Glass ng Thailand, 16-25, 23-25, 20-25, upang tapusin ang kampanya sa ikawalong puwesto sa pagsasara ng 2016 FIVB World Club Women’s Championships Linggo ng hapon sa Mall of Asia Arena.

Ilang beses nagpilit ang mga Pinay na makaagaw ng isang set subalit kada pagtatangka nito ay agad naman nagagantihan ng atake ng kalabang mga Thais na tinapos ang laban na pinanood ng 2,400 katao sa loob ng isang oras at 15 minuto.

“We are so happy even though we lost dahil alam naman namin na every point ay pinaghihirapan namin. Sobrang nakakapagpataas ng morale dahil nagawa namin magbigay ng magandang performance para doon sa ating mga kababayan at naipakita namin na kaya natin manalo,” sabi ni PSL-F2 Logistics Manila team captain Rachel Ann Daquis.

Pinamunuan ni Jaja Santiago ang koponan sa itinalang 11 puntos tampok ang 7 kills, 1 block at 1 service ace habang nag-ambag si Lindsay Stalzer ng walo, may pito si Stephanie Niemer at tig-anim sina Linda Morales at Yrvgeniya Nyukhalova.

Samantala, iniuwi ng Vakifbank Istanbul ang tansong medalya matapos biguin ang Volero Zurich sa loob ng apat na set, 25-14, 25-21, 25-22, 25-11, sa labanan para sa ikatlong puwesto.

Apat na manlalaro ng Vakifbank Istanbul ang umiskor sa double-digit upang makaganti sa Volero Zurich.

Nagtala si Lonneke Sloetjes ng 16 puntos habang may 15, 13 at 11 puntos naman si Milena Resic, Zhu Ting at Gozde Kirdar.

Samantala, hinablot ng Rexona Sesc Rio ang ikalimang puwesto matapos nitong biguin ang Hisamitsu Springs Kobe ng Japan sa limang set, 3-2, sa mga iskor na 20-25, 25-22, 25-15, 30-32 at 15-7.

Pinamunuan ni Monique Marinho ang koponan ng Brazil sa itinala nitong 21 puntos tampok ang 18 kills, 2 blocks at isang service ace habang nag-ambag si Juicely Barreto ng 20 puntos, 16 kay Anne Buijs at 15 si Gabi Guimaraes.

Namuno sa Japan si Risa Shinnabe na may 19 puntos kasunod sina team captain Miyu Nagaoka at Yuki Iishi na may tig-18 puntos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending