‘Walang inagaw ang EB Baes kay Kris Aquino!’ | Bandera

‘Walang inagaw ang EB Baes kay Kris Aquino!’

Jun Nardo |October 21,2016
facebook
share this

‘Walang inagaw ang EB Baes kay Kris Aquino!’

Jun Nardo - October 21, 2016 - 12:20 AM

EB BAES

EB BAES

WALANG inagaw na time slot ang bagong morning show na TROPS! sa GMA. Pinagbibidahan ito ng anim na Baes na produkto ng Eat Bulaga at ng teen sensation na si Taki.

Nakalaan talaga sa millennial series na TROPS ang oras na ‘yon dahil naglabasan ang ispekulasyon na ang show dapat ni Kris Aquino ang magiging pre-programming ng Eat Bulaga.

Ang APT Entertainment kasi ang content provider ng show ng TAPE, Inc. Ito ang talagang producer ng TROPS at nasa kontrata nila sa GMA ang oras na ‘yon. Wala naman siguro silang kinalaman kung bakit naglahong parang bula ang show ni Kris sa Kapuso Network.

Sa nangyari, Kris’ loss is Baes’ gain, huh! Kaya walang pagsidlan ng kaligayahan ang buong tropa na kinabibilangan nina Kenneth Medrano, Kim Last, Tommy Penaflor, Jon Timmons, Joel Palencia at Miggy Tolentino.

Sa kanila, si Kenneth ang grand winner ng That’s My Bae. Nakaarte na siya sa isang Lenten episode ng Bulaga at napanood sa papalitang show na Calle Siete. Si Kim naman ay regular nang napapanood sa Sunday PinaSaya.

Komo malakas ang dating, inalam namin kung sinu-sinong artista ang crush ng Baes. Si Jennylyn Mercado ang unang crush ni Kenneth. Napalitan na siya ni Bianca Umali.

“Nang pumunta si Bianca sa Broadway at nakita ko, sabi ko, ‘Anghel ‘to, ah!’ Kaya mas crush ko na si Bianca,” sabi ni Kenneth.

Si Marian Rivera naman ang crush ni Joel. “Crush ko na siya noon pa. Eh, nang maging guest kami sa Sunday PinaSaya at nakita ko, starstruck ako kasi mas triple ‘yung ganda niya!” rason ni Joel.

“Ang super-crush ko po sa showbiz ay si Julie Anne San Jose. Ang galing-galing niya pong kumanta tsaka lagi siyang naka-smile. Lagi siyang nakangiti nu’ng makita ko sa Sunday PinaSaya. Nakuha niya po ang atensyon ko,” katwiran naman ni Miggy.

Si Gabbi Garcia naman ang crush ni Tommy. Sa isang show sa Laguna kung saan kasama niya si Gabbi kumislot ang puso niya. Mas tumindi ang crush niya sa Encantadia star nang makita niya ang aktres sa Sunday PinaSaya.

Malakas naman ang dating ni Inah Raymundo kay Kim. Saktong nasa series si Inah at magkakagusto pa si Kim sa aktres. “Kahit may age gap kami, parang wala lang ‘yan kasi when I look at her its like, ‘Wow!’ Ganu’n talaga!” bulalas ni Kim.

Para naman kay Jon, malakas ang atraksyon sa kanya ni Solenn Heussaff. “Mahilig po kasi ako sa girls na may accent or who know multiple language. Tapos, sobrang bubbly niya,” dahilan naman ni Jon.

Pero sa TROPS, sina Kenneth at Miggy ang mag-aagawan sa pag-ibig kay Taki. Sa show malalaman ang style ng panliligaw ng millennial born, huh!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa Oct. 24 na ang simula ng TROPS sa direskyon ni Linnet Zurbano.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending