Cesar Montano kasama sa state visit ni Duterte sa China
KABILANG ang aktor na si Cesar Montano sa mga negosyanteng kasama ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang state visit sa China.
Pinagkaguluhan si Montano ng mga miyembro ng Pinoy community sa China kung saan umabot ng 55 minuto ang talumpati ni Duterte sa Grand Hyatt Hotel, noong Miyerkules ng gabi.
“Full support tayo kay Presidente and pinakikita ko lang perennial support,” sabi ni Montano, nang tanungin kaugnay ng apa-na araw na state visit ni Duterte.
Nakipagpulong si Montano sa ilang negosyanteng Chinese sa lobby ng Grand Hyatt Hotel, kung saan tumutuloy si Duterte at kanyang opisyal na delegasyon.
“I have a meeting here, (for) business,” sabi ni Montano.
Idinagdag ni Montano na naghahanap siya ng mga investor para sa kanyang movie production outfit.
“Mga full Chinese, gusto nila maglabas ng pera, wala na sila paglagyan,” sabi ni Montano.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.