Horoscope, October 20, 2016 | Bandera

Horoscope, October 20, 2016

Madam Sophia |October 20,2016
facebook
share this

Horoscope, October 20, 2016

Madam Sophia - October 20, 2016 - 01:45 PM

Para sa may kaarawan ngayon: Magpaganda ka sa araw na ito, dahil kapag lagi kang maganda, kusang lalago at dadami ang pera. Sa pag-ibig, papungayin ang mga mata upang maakit ang suwerte at masarap na romansa. Mapalad ang 9, 17, 25, 33, 35, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Sa aking mga mata ang tunay na pag-ibig ay madarama!” Pink at green ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Malapit na ang Holiday Season, dagdag na pagiipon ang dapat upang higit na mas maging masaya ang paskong darating. Sa pag-ibig ituloy lang ang magulong pakikipag-relasyon sa isang Sagittarius, mahirap mawalan ng minamahal sa panahon ng kapaskuhan. Mapalad ang 6, 17, 28, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Devasya-Om.” Bukod sa red ang blue ay buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — May darating na malaking halaga ng salapi, hindi mo ito dapat na ubusin agad-agad. Sa pag-ibig, paglaanan ng pera ang palahinging kasuyo. Mapalad ang 3, 6, 15, 33, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Anilam-Aum-Bastan.” Red at lilac ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Isang kaibigan ang lalapit upang mangutang. Hindi mo siya dapat pautangin, dahil dati ka nya ng hindi binayaran. Umiwas sa mga manunuba at balasubas. Sa pag-ibig, tuloy ang masayang pakikipag-relasyon sa isang Libra. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Yantra-Aum-Migeta.” Gray at violet ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Tuloy-tuloy nang dadami at madadagdagan ang salapi basta’t laging kasama ang minamahal na Capricorn. Panatiliin ang pagsusuot ng kulay na berde at dilaw upang lalo ka pang suwertehin sa buhay. Mapalad ang 2, 11, 18, 37, 40, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ca-Da-Bra.” Buenas sa initial na R.Y.
Leo – (July 23 – August 22) — Sundin ang pinapagawa ng kasuyo para hindi ka nya kulitin. Sa pagsunod sa minamahal, mas malaking tagumpay at kaligayahan ang makakamit. Mapalad ang 1, 7, 16, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Asato-Tomaso-Om.” Gold at blue ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Mercury ang ruling planet mo kaya susuwertehin ka kapag nagkaroon ka ng sasakyan. Mapalad sa lahat ng uri ng sasakyan kahit na ito ay bisikleta lang. Kung may sasakyan ka na, 555 ang suwerteng plate number upang umunlad at yumaman. Mapalad ang 5, 14, 23, 28, 36, at 41. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Rama-Rama.” Silver at white ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Panahon na upang palakasin ang katawan, ugaliing mag-ehersisyo, kumain ng maraming gulay at mga prutas. Sa simpleng buhay na walang iniindang karamdaman, lalo kang uunlad at magiging maligaya. Mapalad ang 6, 17, 28, 30, 46 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bhagava-Gita-Om.” Orange at blue ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Malapit na ang birthday mo! Simpleng selebrasyon na lang ang dapat upang makatipid. Ang salaping maiipon ay ilaan sa nalalapit na kapaskuhan upang kahit na papaano ay maging masaya naman ang iyong pamilya. Mapalad ang 3, 16, 21, 33, 38 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Devah-Om.” Maroon at green ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Tuloy-tuloy na sana ang magandang pasok ng salapi, kaya lang nasasayang ito kasi bulaksak ka! Upang umunlad, matutong mag-tipid at mag-ipon. Sa pag-ibig, sundin ang suwestyon ng kasuyo na wag ng bumili kung ano-anong gamit na hindi naman talaga kailangan na pagdating ng araw ay nagiging kalat lang. Mapalad ang 3, 12, 22, 37, 41 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Pink at beige ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Magpapakawala ng malaking suwerte ang tadhana bago matapos ang buwang ito ng Oktubre. Maglalabas ka ng bahay upang ikaw ay makasapo. Sa pag-ibig, wag puro puso ang gamitin, gumamit ka rin ng pera upang lumigaya. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Maham-Rintun-Jaya.” Blue at silver ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Tigilan na ang madalas na pagpe-Facebook, walang itutulong na mabuti ang gawaing iyan. Ibuhos ang oras sa mga bagay na pagkakaperahan. Sa pag-ibig, mahalin ang kasuyong Sagittarius, bago siya tuluyang mawala. Mapalad ang 4, 10, 19, 35, 44 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Shanti-Om-Pad-Me-Om.” Maroon at gold ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Itutok ang inyong konsentrasyon sa nais mong makamit. Para dumami ang kinikita tutukan ang iyong mga ginagawa na may kaugnayan sa salapi. Sa pag-ibig, may masarap na romansa habang may parating na naman na isang malakas na bagyo. Mapalad ang 2, 16, 27, 38, 41 at 49. Mahiwag mong mantra: “Om-Agla-Om.” Red at blue ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending