Meralco bigong makahirit ng Game 7; Ginebra kampeonato | Bandera

Meralco bigong makahirit ng Game 7; Ginebra kampeonato

Dennis Christian Hilanga |October 20,2016
facebook
share this

Meralco bigong makahirit ng Game 7; Ginebra kampeonato

Dennis Christian Hilanga - October 20, 2016 - 11:25 AM

ginebra championsMAY dahilan kung bakit isinasabuhay ng Ginebra ang katagang ‘never say die’ lalo na sa mga oras na kinakailangan.

Tinuldukan ng Barangay Ginebra ang walong taong pagkauhaw sa kampeonato matapos maisalpak ni import Justin Brownlee ng isang game-winning three pointer kasabay ng pagtunog ng final buzzer na siyang bumigo sa Meralco na makahirit ng isa pang game. Wagi ang Ginebra kontra Meralco, 91-88, sa game 6 ng kanilang best-of-seven PBA Governors’ Cup  finals showdown Miyerkules ng gabi sa harap ng nagbubunying madla sa hindi mahulugang karayom na Smart Araneta Coliseum. Isang pamatay na tres ni Brownlee sa harap ni Allen Durham ang tuluyang naghatid sa Kings sa una nitong titulo sapul maghari noong 2008 PBA Fiesta Conference at pang siyam na korona sa loob ng 22 finals appearance sa kabuuan para sa koponan simula lumahok sa liga noong 1979. Tumapos si Brownlee na may 31 puntos at siyam na rebounds upang pamunuan ang Ginebra na makabalik sa laro matapos maharap sa 13 puntos na pagkakalubog, 32-45, sa pagtatapos ng first half. Ibinuhos ni LA Tenorio ang 13 sa kanyang 25 puntos sa third quarter kung saan rumatsada ang Ginebra at dumikit sa Meralco. Nanatiling matatag ang Ginebra sa mga huling sandali ng dikdikang laban kung saan lumamang pa ang Bolts, 88-86 matapos ipasok ni Cliff Hodge ang dalawang free throws kasunod ng foul mula sa isang steal bago ihulog ni Brownlee ang pabandang tira upang itabla ang iskor, 88-all. May pagkakataon pa sanang umabante ang Meralco subalit namintis ni Durham ang kanyang layup na siyang nagbigay daan upang gawin ni Brownlee ang mala-bayaning tira at bitbitin ang Ginebra sa tagumpay. Tinaghal na finals MVP si Tenorio matapos itala ang series averages na 17.2 puntos, 3.8 rebounds at 4.2 assists. Si JJ Helterbarand, na siyang naging susi sa panalo ng Ginebra sa game 4, ay naging pangatlong manlalaro kasunod nina PBA legends Ramon Fernandez at Robert Jaworski Sr.na mag-uwi ng kampeonato sa edad na 40. Nakamit naman ni PBA winningest at two-time grand slam coach Tim Cone ang kanyang ika-19 na titulo sa loob ng 30 finals appearance sa harap ng nagbubunying Ginebra fans kabilang na ang ‘The Living Legend’ na si Jaworski sa makasaysayang Big Dome na nagtala ng humigit 22,000 crowd attendance.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending