Halos 200 bangkay mula sa isang iligal na punerarya ililibing sa mass grave | Bandera

Halos 200 bangkay mula sa isang iligal na punerarya ililibing sa mass grave

- October 19, 2016 - 02:03 PM

mass grave

NAKATAKDANG ilibing bukas ng mga opisyal ng Quezon City ang halos 200 bangkay na narekober sa isang punerarya na ipinasara dahil sa paglabag sa sanitary at health code.

Dinala ng isang dump truck ng lokal na pamahalaan ang unang bahagi ng mga patay sa Novaliches Public Cemetery matapos madiskubre mula sa Henry Memorial Services sa La Loma para sa mass grave.

Habang isinusulat ang balitang ito, isinasakay pa ang ibang bangkay sa isa pang trak.

Nadiskubre ng mga otoridad ang mga bangkay ng mga lalaki, babae, mga bata na naaagnas na at nakabalot sa halos 100 itim na plastic bag.

Ilan sa mga bangkay ay ginamit umano ng mga medical schools, ayon kay health officer Verdades Linga, bagamat hindi pa ito nakukumpirma.

Nagpalabas na ng cease and desist order laban sa Henry Memorial Services noong Set. 23, ngunit patuloy pa rin ang operasyon nito.

Patuloy itong tumanggap ng mga bangkay mula sa ibang punerarya sa kabila ng kawalan ng permit at pasilidad.

Hindi naman mahagilap ang may aring si Oscar Parales at manager na si Severino Mancia.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending