Ogie sumama ang loob kay Leila nang makipag-live in sa dyowang rapper
TOTOONG sumama ang loob ng Ultimate Singer-Songwriter na si Ogie Alcasid sa panganay niyang anak na si Leila Alcasid.
Ito’y matapos magdesisyon ang anak nila ng dating beauty queen na si Michelle Van Eimeren na makipag-live in sa singer-rapper na si Curtismith.
Sa guesting ni Ogie sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong nagdaang Biyernes ay napag-usapan nga ang kanyang pagiging tatay. Dito nga nabanggit ng singer ang tungkol sa panganay na anak.
Baka Bet Mo: Sharon Cuneta kay Sen. Leila de Lima: We need you more out here
“Kay Leila, ako ay naghihintay. Kasi mukhang, hindi ko alam, parang mag-aasawa na yata ‘yung panganay ko,” chika ni Ogie.
View this post on Instagram
“Oo naman, nagtampo ako. Kasi itong buong panahon na naghintay ako, kasi hindi naman natin maipagkakaila na hindi siya lumaki sa akin.
“So noong time na biglang nag-isip siya na tumira na rito sa Pilipinas, sabi ko ‘Ito ‘yung pagkakataon magiging close kami, magiging magkasama kami.’
“Hanggang sa panahon na mag-aasawa na siya. ‘Yun nga lang, meron pala silang ibang plano,” ang pagbabahagi ni Ogie.
Nagkaroon daw sila ng heart-to-heart talk ni Leila tungkol sa pakikipag-live in sa dyowang rapper at sa huli ay nanaig ang pagmamahal niya sa anak at sinabing nirespeto na lamang niya ang desisyon nito.
“Sinabi ko ‘yung saloobin ko. At buo naman nilang tinanggap. ‘Yun nga lang, sila ay adults na, eh. ‘Kung gusto niyong mag-adulting, pababayaan ko kayo.’
View this post on Instagram
“Wala tayong magagawa bilang magulang. Like what you say, it is what it is,” saad ni Ogie.
Patuloy pa niya, “May mga pagsisisi ako siyempre bilang ama at sa pamilya namin, marami akong pagkukulang, pero pilit kong pinagbabawian.”
Last year, nakausap na rin namin si Ogie about this issue, at sinabi nga niya na wala na siyang magagawa sa naging desisyon ng anak na 25 years old na ngayon.
“I told her, ‘I didn’t like what you did. Because it’s something that I wish you talked to me about before. But that’s already done, nandiyan na ‘yan.
“So you want to be an adult? Then, face life like an adult.’ And I’m very proud that she doesn’t even ask for money from me at all,” sey ni Ogie.
Sabi pa niya, “I’ve pretty much accepted that we’re going on that road sooner or later.
“When Gary (Valenciano) talks about his and his wife’s (Angeli Pangilinan) experience as empty nesters, it makes me go, ‘One day, that’s going to be me.’ But I think I’m ready,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.