Sharon Cuneta kay Sen. Leila de Lima: We need you more out here
NAKIISA si Megastar Sharon Cuneta sa mga personalidad at mga grupo na nagbibigay suporta kay Sen. Leila de Lima na kasalukuyang limang taon nang nasa kulungan.
Sa isang video na inilabas ng kampo ni de Lima nitong Huwebes, February 24, ay in-assure ni Megastar na hindi nila nakakalimutan ang senador at ipinapanalangin nito na tuluyan na siyang makalabas sa detention.
“We haven’t forgotten about you [Senator Leila]. Frankie and I adore you and pray for you, and you are so courageous and inspiring that you should not be in there,” saad ni Sharon.
Gaya ng kanyang asawa ay tumatakbo rin ngayong eleksyon si de Lima sa pagkasenador at kasalukuyang inirerepresenta ng kanyang chief of staff na si Fhillip Sawali sa pangangampanya dahil nga kasalukuyan siyang naka-detain.
Ayon kay Sharon, hindi na raw dapat manatili sa detention si de Lima lalo na’t marami pa itong kaya at pwedeng gawin kung ito ay nasa labas.
“We really miss you out here. We need you more out here. You can do so much more out here. Ana se keep praying that you be allowed out soon or that you are out, somehow by God’s grace and never-ending mercy,” pagpotuloy ng Megastar.
“I keep praying for you, Senator Leila, and I hope to give you a big hug when I see you finally. Hopefully, sooner than we all expect. Frankie and I love you. God bless you po!” dagdag pa ni Sharon.
Matatandaang na-detain si De Lima noong February 2017 dahil sa drug charges na paulit-ulit na rin niyang pinabulaanan.
View this post on Instagram
Ang video ni Sharon ay isa sa mga video clips na inilabas bilang parte ng programa bilang pag-alala ng ika-limang taon ng “unjust detention” ni De Lima. Marami rin ang nagpaabot ng mensahe, suporta, at pagmamahal para sa senador sa naturang programa.
Isa si De Lima sa mga senador na ikinakampanya ng tambalang Robredo-Pangilinan. Hangad niya na muling manalo sa muling manalo sa darating na eleksyon upang maipagpatuloy pa ang pagbibigay tulong sa mga taong nangangailangan.
Related Chika:
Duterte pinuna ni De Lima sa pagmaliit sa 2016 Hague victory ng Pilipinas
Pagtawag sa kanya ng ‘bitch’ ni Duterte, panglihis sa tunay na isyu, sabi ni De Lima
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.