Jiro: Kinalimutan ko na ang nangyari, ayaw ko nang balikan yung masasamang bisyo! | Bandera

Jiro: Kinalimutan ko na ang nangyari, ayaw ko nang balikan yung masasamang bisyo!

Ervin Santiago - October 16, 2016 - 12:05 AM

aiai jiro sancho

Photo courtesy of Sancho Delas Alas’ instagram account @sanchovito

MARAMING naiyak sa muling pagkikita ni Ai Ai delas Alas at ng anak-anakan niyang si Jiro Manio na isa na raw “drug free” citizen ngayon matapos sumailalim sa rehabilitation and wellness program.

Sa ulat ng GMA, sinorpresa ng Comedy Queen si Jiro sa ginanap na “guided dialogue” sa loob ng rehab center kung saan nagbigay ng mensahe si Jiro para kay Ai Ai na siyang nagpasok sa kanya sa rehabilitation center seven months ago.

“Nagpapasalamat ako hindi dahil tinulungan mo ako…dahil ni-rescue mo ako. At saka humihingi ako ng tawad dahil wala akong nagawa nu’ng time na parang binubulungan ako…gusto ko nang magbago,” emosyonal na pahayag ng dating child star na nagpaiyak sa komedyana.

Hirit pa ni Jiro, “Yung totoo lang, kinalimutan ko na kung anuman ang nangyari sa akin, wala na sa isip ko. Ayaw ko nang balikan pa yung masasamang bisyo.”
Pero kahit na “drug free” na raw si Jiro, hindi pa rin ito makakalabas ng rehab center dahil desidido ang dating aktor na kumpletuhin ang pinasok na wellness at rehabilitation program.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending