Agot inupakan ng kampo ni Duterte, pero kinampihan ng 2 veteran singer | Bandera

Agot inupakan ng kampo ni Duterte, pero kinampihan ng 2 veteran singer

Cristy Fermin - October 11, 2016 - 12:20 AM

agot isidro at duterte

INUULAOL ngayon ng mga upak si Agot Isidro sa social media. Literal na kahit asong gutom ay hindi makalulunok sa masasakit na salitang ibinabato laban sa kanya ng mga tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang FB post kasi ay tinawag niyang psychopath si Ka Digong. Hindi raw bipolar ang pangulo kundi isang psychopath, ibig sabihi’y baliw, sira-ulo at iba pang paglalarawan ng singer-actress sa tagapamuno ng ating bayan.

Binulabog ni Agot Isidro ang kuta ng langgam, kaya ayan tuloy ang inaabot niya ngayon, ang kaliwa’t kanang pagpapakain sa kanya ng apdo ng mga tagasuporta ng pangulo.

May pagkapersonal pa nga ang bira sa kanya, nag-research na ang mga tagahanga ng pangulo tungkol sa kanyang buhay, ang dahilan daw ng paghihiwalay nila ni Manu Sandejas ay ang kawalan niya ng kapasidad na bigyan ito ng anak.

Laos na singer naman ang tawag kay Agot Isidro ng iba, palibhasa raw ay wala siyang ibang pinagkakaabalahan kundi ang seryeng Ang Probinsiyano, kaya siya nagkakaganyan.

Nagkaroon ng tatak pulitika ang bira ni Agot kay Pangulong Duterte dahil kilala siyang tagasuporta ni Vice-President Leni Robredo nu’ng nakaraang eleksiyon. ‘Yun ang dahilan kung bakit kumampi agad sa kanya sina Jim Paredes at Leah Navarro na kakulay niya nu’ng halalan.

Naku, siguradong mag-aagahan, manananghalian, maghahapunan at magmemeryenda ngayon ng mga panglalait si Agot Isidro. Pramis!
Pramis na pramis!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending