Julie Anne nakaka-relate sa remake ng Pinulot Ka Lang Sa Lupa
MUKHANG hindi mahihirapan si Julie Anne San Jose na gampanan ang kanyang role as Santina Marquez sa upcoming show niya sa GMA Afternoon Prime na Pinulot Ka Lang sa Lupa.
Ayon kasi sa dalaga, marami siyang nahahanap na common denominator sa kanilang pagkatao.
Kwento ng Asia’s Pop Sweetheart, “I find myself like her. Si Santina kasi is like a rose, sobrang fragile niya at the same time, maprinsipyo siyang tao tapos palaban siya.
“Kapag natatapakan ang mga mahal niya sa buhay, talagang ipaglalaban niya. Palagi rin siyang masayahin at sobrang positive ng aura niya,” anang dalaga.
Makakatambal ni Julie Anne sa nasabing serye ang nababalitang masugid niyang manliligaw ngayon na si Benjamin Alves. Ang Pinulot Ka Lang Sa Lupa ay remake ng pelikula noon ng Diamond Star na si Maricel Soriano.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.