Singil sa kuryente ng Meralco bumaba | Bandera

Singil sa kuryente ng Meralco bumaba

Leifbilly Begas - October 06, 2016 - 06:16 PM

Meralco

Meralco

Bumaba ng P0.1216 kada kilo Watt hour ang presyo ng kuryente ng Manila Electric Company ngayong buwan.      Ayon sa Meralco bumaba ang halaga ng paggawa at distribusyon ng kuryente.      Bumaba ng P0.0501 kada kWh ang generation charge, P0.0558 kada kWh ang transmission charge, P0.0012 kada kWh ang buwis at P0.0145 ang iba pang bayarin.      Hindi naman nagbago ang binabayaran sa serbisyo ng Meralco.      Mababawasan ng P24.33 ang babayaran ng isang pamilya na kumokonsumo ng 200 kWh kada buwan. Ang gumagamit ng 300 kWh ay baba ng P36.49, P48.5 ang gumagamit ng 400 kWh at P60.82 ang 500 kWh.      Ito na ang ikatlong sunod na buwan na bumaba ang singil ng Meralco.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending