Arellano Chiefs mas kumpiyansa na sa kampeonato
MAS mataas na ang kumpiyansa ang Arellano University hindi tulad sa nakalipas na taon sa pagbabalik nito sa kampeonato ng NCAA Season 92 men’s basketball tournament finals sa Martes.
“This year’s team, we play together really, really well. I’m not being cocky, but I feel like I’m just feeling confident about my team and we will have no problem playing in the finals again,” sabi ng Amerikanong sentro ng Arellano na si Dioncee Holts.
Nagkakumpiyansa naman si Holts matapos na ang Chiefs ang naging unang koponan na masungkit ang silya sa best-of-three finals matapos itala ang 92-80 panalo kontra Season 91 Most Valuable Player Allwell Oraeme at ang Mapua Cardinals noong Biyernes.
Ito ang ikalawang pagkakataon sa nakalipas na tatlong taon na sasabak ang Arellano sa finals sapul makatuntong sa kampeonato subalit nawalis ng tinanghal na kampeon na San Beda College dalawang taon na ang nakalipas.
Inalis din ng panalo ang mapait na karanasan ng koponan sa nakaraang taon kung saan hindi nakatuntong ang Chiefs sa Final Four.
“We just feel so happy to be back in the finals,” nasabi lamang ni Arellano coach Jerry Codiñera.
Sa sobrang saya at pagkabawi kung kaya agad binigyan ni Codiñera ang koponan ng isang araw na pahinga at mag-recharge bilang paghahanda sa mas matinding labanan alinman sa San Beda o University of Perpetual Help na paglalabanan ang huling silya sa kampeonato sa Martes.
“The players deserve a break after all the energy they spent and hard work they put the whole season,” sabi pa ni Codiñera.
Sinabi naman ni Jio Jalalon, ang kinukunsiderang lider ng koponan, na hindi na magaganap ang nangyari noong nakaraang taon sa magaganap na kampeonato.
“We’re not looking at the past anymore because our focus now is to win the championship because that’s all that matters,” sabi ni Jalalon, na nakabalikwas mula sa dalawang mababa na laro sa pagtala ng 22 puntos, walong rebounds, siyam na assists at tatlong steal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.