Dingdong, Marian excited na sa 1st b-day ni Baby Zia | Bandera

Dingdong, Marian excited na sa 1st b-day ni Baby Zia

Ervin Santiago |October 03,2016
facebook
share this

Dingdong, Marian excited na sa 1st b-day ni Baby Zia

Ervin Santiago - October 03, 2016 - 12:20 AM

marian zia dingdong

SIGURADONG enjoy na enjoy ang Kapuso Primetime King and Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa ilang araw nilang pagbabakasyon sa Amerika.

Actually, vacation na may kasamang trabaho ang pagpunta ng mag-asawa sa US dahil nga nagkaroon sila roon ng show, partikular sa San Francisco, California at Anaheim.

Nakasama nila roon para paligayahin ang mga Kapusong Pinoy sina Boobay at Ate Gay. At siyempre, in-enjoy din nina Dingdong at Marian ang US kasama ang kanilang anak na si Baby Zia na first time ngang magbiyahe abroad.

Isinama ng mag-asawa ang bata dahil ayaw nila itong iwan ng mahabang panahon. Ten months na si Baby Zia last Sept. 23 kaya siguradong hahanapin na sila nito kapag nawala sila ng matagal.

At tiyak na ngayon pa lang ay pinaghahandaan na nina Dong at Yanyan ang first birthday ng kanilang anak sa Nov. 23.

Pag-uwi ng bansa, balik-taping na uli si Dingdong sa primetime series niyang Alyas Robin Hood na napapanood pagkatapos ng Encantadia sa GMA Telebabad.

Inspired ding magtrabaho si Dong at ang lahat ng involved sa serye dahil nga patuloy na tumataas ang kanilang rating at magaganda rin ang natatanggap nilang feedbacks mula sa manonood.

Samantala, sa pagpapatuloy ng Alyas Robin Hood, madidiskubre ni Venus (Andrea Torres) na wala talagang amnesia si Pepe (Dingdong). Aaminin ni Pepe kay Venus ang lahat. Magdedesisyon si Pepe na bumalik sa siyudad. Plano ni Pepe na kay Jekjek (Gio Alvarez) at sa inang si Judy (Jaclyn Jose) muna magpakita bilang pag-iingat.

Pupunta naman si Venus sa malaking event sa Metropolitan Museum. Ang usapan nila ni Pepe, na nagsuot ng hooded jacket upang di makilala, ay babalikan siya nito sa museum pagkalipas ng isang oras. Makikita naman sa di kalayuan ni Pepe sina Dean (Sid Lucero) at Sarri (Megan Young) na papunta rin sa event.

Akala niya ay nagyayakapan ang dalawa, pero ang totoo ay napatid lamang si Sarri kaya napahawak kay Dean. Malulungkot si Pepe.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maiiyak si Judy nang ma-kitang buhay si Pepe. Desidido naman si Pepe na patuloy na magtago hanggang sa hindi niya napapatunayan kung sino ang tunay na pumatay sa kanyang ama. Ibibigay sa kanya ni Jekjek ang ginawa nitong bow and arrow.

At para naman sa mga barakong sumusubaybay sa serye, asahang hindi kayo mabibitin sa pagpapaseksi ni Andrea sa kanyang mga eksena dahil siguradong marami pang pasabog ang Kapuso sexy actress sa mga susunod na episode.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending