Mocha inupakan ng mga kakampi ni Digong matapos tawaging 'presstitute' ang media | Bandera

Mocha inupakan ng mga kakampi ni Digong matapos tawaging ‘presstitute’ ang media

Cristy Fermin - September 22, 2016 - 10:25 PM

mocha uson at duterte

SA halip na kampihan ay umaani ng pamba-bash ngayon ang sexy singer na si Mocha Uson mula sa mga tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sobrang maepal ang titulong ibinibigay sa kanya ngayon dahil sa paglalabas niya ng kung anu-anong komento bilang pagtatanggol sa sinusuportahan niyang pangulo.

Nagkabaligtad nga ang senaryo ngayon. Tagasuporta ni Pangulong Digong si Mocha, ipinaglalaban niya ang ating pangulo, pero mismong mga kapwa niya tagasuporta ng tagapamuno ng ating bansa ang hindi nagkakagusto sa kanyang mga atake.

Lalo na ang pagtawag niya ng “presstitute” sa mga media personalities, kanyang-kanya lang ‘yun, hindi galing sa kampo ng pangulo ang kanyang mga arya.

Mas maganda sigurong tantanan na ni Mocha ang pakikisawsaw sa mga usaping-pulitika, mas bigyan na lang sana niya ng pagtutok ang kanyang career at ang grupo niya, para hindi siya pinakakain ng apdo ng marami ngayon.

Hindi masamang magbigay ng opinyon, pero ang lahat ay depende sa inoopinyunan, nakaangkla rin ‘yun sa kung anong atake ang ginagawa ng nagbibigay ng pananaw.

“Super-epal kasi si Mocha, pa-profound pa, gusto niyang iparamdam sa lahat na matalino siya. Tama na, ang matalinong tao, hindi man magbuka ng bibig, e, malalaman mo agad na may laman ang utak!

“Hindi ‘yun ipinagyayabang, hindi ipinangangalandakan, lalong hindi nakikipag-agawan ng moment sa mga tunay na may karapatan!” komento ng kaibigan naming propesor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending